• September 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga baril na pag-aari nina VP Sara at mister nitong si Atty. Manases Carpio, nailantad sa Senate impeachment court

NAILANTAD sa Senate impeachment court ang mga baril na pag-aari nina Vice President Sara Duterte at mister nitong si Atty. Manases Carpio.

Sinabi ni PNP Firearms and Explosives Office Chief Joericson Sangalang, iprinisintang saksi ng prosekusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na lumitaw sa talaan ng ahensiya na mayroong 14 pistola, dalawang revolver, limang rifles kabilang na ang tatlong Class-A light weapons, at isang shotgun ang VP.

Si Duterte ay tinaguriang Type 5 License to Own and Possess Firearms owner, na ibinibigay sa mga indibidwal na nagmamay-ari at nakarehistrong armas na mahigit sa 15.

Samantalang ang asawa nitong si Manases Carpio ay mayroong 29 firearms, kabilang na ang 16 pistola, dalawang revolvers, isang shotgun, 10 rifles kabilang na ang isang Class-A light weapon, at isang expired firearm, base pa sa PNP records.

Ang isang armas na may fully automatic function na tuluy-tuloy ang buga kapag pinaputok ay maaari lamang makuha ng Armed Forces of the Philippines, PNP at iba pang law enforcement agencies, pahayag ni Sangalang, base sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pero ang mga indibidwal na nakabili ng light weapon bago ito naging batas noong 2013 ay pinapayagan pa ring panghawakan ito kasabay sa pagsunod sa ippbang probisyon sa batas.

Sinabi pa ni Sangalang na si Duterte ay may P2,184,550 habang si Carpio ay P5,035,820 halaga ng armas base sa present market prices sa halip na actual acquisition costs.

(VINA de GUZMAN)