• September 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa South Cotabato…School shooting naiulat sa Banga National High School

HINDI bababa sa dalawa ang nasawi at apat ang sugatan sa shooting na iniulat sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato ngayong Biyernes, September 18.

Kinumpirma ito ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo sa isang video statement bandang 2 p.m.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang insidente at nagpahayag ng matinding pagkabahala rito.

Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na ito sa Schools Division Office, Regional Office, mga lokal na awtoridad, at law enforcement agencies para beripikahin ang mga pangyayari at magbigay ng kinakailangang tulong.

Handa rin ang kagawaran na magbigay ng psychological first aid at mental health at psychosocial support sa mga apektado.

Bago ang insidenteng ito, naiulat ang isang school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22 at sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18. ( DARIS JOSE)