• September 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinakita ang dating bahay after 46 years…Muling paglipat ni VILMA sa Magallanes Village, very nostalgic (ni: REY PINEDA) 

VERY nostalgic ang ginawang muling paglipat ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang dating tirahan sa Magallanes Village sa Makati.

Sa isang Instagram video ni Ate Vi, muli nitong binalikan at inalala ang nakaraan.

Matapos nga ang 46 years muli nitong ipinakita ang dati niyang bahay.

Ang bahay at lupang nabanggit ay katas ng kanyang pagiging reyna ng pelikulang Pilipino noong kasagsagan ng dekada ’70.

Ngayon nga napagdesisyunan nitong muling tumira sa nabanggit na bahay.     

Nung lumipat siya ng tirahan, naging imbakan ito ng kanyang mga tropeo at parangal sa showbiz. Pinaupahan din niya ito dahil wala namang gumagamit.

Bakit nga kaya nagdesisyon si Ate Vi na muling lumipat sa dati niyang tirahan?     Nangangahulugan kaya ito na pinaghahandaan na nito ang kanyang pag-retiro sa pulitika at muling maging aktibo sa showbiz?        

Ibig sabihin lamang nito ay masinop si Ate Vi.  Marunong magpahalaga sa kanyang mga naipundar.

At higit sa lahat alam niyang balikan ang kanyang pinanggalingan.

***

NAGBIGAY ng babala ang filmmaker/producer na si Neil Arce laban sa isang taong nagke-claim na ginagamit silang mag-ama upang makapang-gantso.

Ayon sa post ni Neil, marami na raw kasi siyang natatanggap na mensahe na nagsasabing may taong gumagamit sa pangalan niya at ng kanyang anak na aktor na si Joaquin Arce.     

Nagtatanong din daw ang taong ito ng mga personal na impormasyon tulad ng phone number ng kanyang anak.     

Na-alarma si Neil dahil dito, kung kaya’t nagbigay ito ng warning sa publiko.     

Kung may matanggap man daw kayong mensahe na nagsasabing siya, ang kanyang anak, o parte ng kanilang management team huwag daw itong sagutin.     

Bagkus, i-ignore daw dahil malamang na-scam daw ito.     

Nagsisilbi rin na babala para sa mga taga-industriya at sa publiko na may mgaganitong modus.

Kaya ito napilitang maglabas ng warning upang hindi na nito maipagpatuloy ang balak na makapangloko ng kapwa.