Mukhang si Mimiyuuuh raw ang pinariringgan…HEART, na-turn off at ‘di ma-take ang kayabangan ng ibang influencer (ni: ROSE GARCIA)
- Published on August 20, 2026
- by Francis Paolo Torres
LUMALAKI at dumarami na rin ang sangkot sa isyu ng “clean money” na sinimulan nina Mimiyuuh at Esnyr sa kanilang mukbang collab vlog.
Naging isyu dahil ang P.A. ni Heart Evangelista ay nag-react sa naging pahayag ng dalawa na hinahangaan nila si Anne Curtis dahil clean money ang kung anuman meron ito.
In all fairness talaga, wala silang binanggit na pangalan ng kahit sino na hindi clean money. Kaya noon pa lang, nagulat na kami kung bakit nag-super react ang P.A. ni Hearty.
Pero hindi rito nagtapos. May pa-blind-item din si Heart tungkol naman sa influencer nang mag-guest ito sa show na “Your Honor” nina Chariz Solomon at Buboy Villar.
Hirit ni Heart, ito, “‘Yung hindi ko ma-take ang ibang influencer kung umasta… Yabang mo, sis! I hate that. Natu-turn off ako.”
Hindi rin naman nagbanggit ng pangalan si Heart kung sino ang influencer, pero ang mga netizens na mismo ang may hula at nagpangalan na mukhang si Mimiyuuuh raw ang pinariringgan.
At heto ngayon, si Raymond Gutierrez, may patama rin sa post na “While others are so focused on fashion and what’s on sale or not, this is the state of our country,”
Si Heart naman ang iniisip ng mga netizen na baka pinatatamaan daw ni Raymond.
Naikokonek din kasi na alam ng karamihan na longtime friends sina Raymond at Anne.
Naku, sa totoo lang, nando’n pa rin talaga kami sa wala naman kasing pinangalanan sina Esnyr at Mimiyuuh. ‘Pag gano’n, mas safe pa rin talaga na ‘wag na mag-react.
***
NAGKAPALIT ng mga karakter na karaniwang ginagawa nila sina Wilbert Ross at Eric Ejercito.
Si Wilbert kasi ang action dito, while si Eric ang more on sa romance side.
Silang dalawa ang mga bida sa pelikulang “The Guardian” ng VIVA Films,
Ang director ng movie ay si Jeong Jang Hwan (Steel Rain, Save the Green Planet!), at pinagbibidahan din ng Infinite vocalist na si Nam Woo-hyun. Ang Korean actress na si Park Eun-hye, na best known epic drama series Jewel in the Palace. At kasama rin si Yassi Pressman.
Collaboration itong talaga ng Pinoy at Korean kunsaan, 100% dito sa bansa ang location.
Nagulat sa mediacon ng “The Guardian” sina Eric at Wilbert. Do’n lang kasi nila nalaman na international pala ang release ng movie. Parang naging surpresa sa kanila.
Ang “The Guardian” ay showing na sa September 2.