• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thankful sa pag-aalaga ng Viva at ni Boss Vic…XIA, dream come true na muling makasama si AGA sa MMFF movie (ni: NONIE NICASIO) 

IPINAHAYAG ng magandang teen actress na si Xia Vigor na masaya siya dahil ang mga plano ng Viva at ni Boss Vic del Rosario para sa kanya ay unti- unti nang natutupad.

Aniya, “Masaya po ako kasi nakikita kong nangyayari na iyong mga plan ng Viva for me, na na-mention nila na matalagal na po. 

“Like, siguro 2023 ay may mga plano na po si Boss Vic. Finally, may mga nagagawa na po sa plan and super excited po ako kung ano iyong abutin ng plan nila for me sa career ko, sa magiging journey po.”

Pagpapatuloy pa ni Xia, “I’m super-grateful po, kasi ay sunod-sunod ang mga project na ibinibigay nila sa akin ngayon. And nararamdaman ko po iyong pag-value nila sa akin, na hindi ko po ma-feel especially po kay Boss Vic na parang business lang ang inisiip nila. 

“Kasi mapi-feel mo talaga na Boss Vic treats you like a family, na may paki po talaga siya sa iyo, kaya super-grateful po ako sa Viva at kay Boss Vic.”

Nabanggit din Xia na hindi niya agad naintindihan nang sinabi ni Boss Vic sa kanya na may gagawin siyang movie.

“Kasi po, noong last time kaming pumunta sa Viva office para i-finalized yung project na gagawin ko, sinabi po sa akin ni Boss Vic na, ‘Xia, gagawin na iyong Second Miracle…’  Masaya po siya nang sinabi niya iyon sa akin, pero hindi ko po ma-gets ang sinabi niya. Bale, hindi ko po alam na MMFF movie pala iyon dahil wala pa pong nagsabi sa akin.

“So, sabi ko lang po, ‘Ah, sige po.’ Hindi man lang ako nakapag-thank you po kay Boss Vic,” natatawang sambit pa ni Xia.

“Nalaman ko lang po fully, na nag-sink-in na sa akin iyong sinabi po ni Boss Vic siguro after two days nang nag-post po ang Viva na official entry – ‘2nd Miracle In Cell No. 7’  … Doon pa lang po nag-sink-in sa akin, doon pa lang po ako nagtatatalon,” nakangiting pakli pa niya.

Nabanggit din ni Xia na dream come true sa kanya ang muling makasama si Aga Muhlach sa isang Metro Manila Film Festival project na part 2 ng kanilang blockbuster entry na “Miracle In Cell No. 7” noong 2019.

Saad niya, “Dream come true po talaga iyon sa akin since matagal na rin po akong hindi gumawa ng MMFF project. Ang first and last ko po ay iyong Miracle… na una.

“Siyempre I think it’s everyone’s dream naman lagi na makasali po rito, kasi iyon ang time na buhay talaga ang cinema. Tapos, maraming families ang nagpa-plan for Christmas na manood dito… So maingay siya, inaabangan siya at masaya iyong parade sa MMFF. So, grabe po ang core memories nito sa akin noong bata pa po ako.

“So, hindi ko po alam kung paano nila mae-execute talaga. Ang nasabi pa lang po sa akin, parang prequel-sequel siya, na ipapakita yung life ni Yesha (Xia) after ng tragic na nangyari sa father niya, kung paano siya nag-cope with all that.

“I think magiging inspiring siya sa mga kabataan, na makikita ang mga struggle niya pero sa huli ay magiging okay naman siya. Tapos ay naging lawyer pa siya paglaki niya, na nakita naman po natin sa part 1 ng movie,” masayang wika pa ng 17 year old na bagets. 

Incidentally, si Xia ay may mahalagang papel sa Viva One series na “Love U Lots” na tinatampukan din nina Wilbert Ross, Bea Binene, Katya Santos, Janno Gibbs, Candy Pangilinan, Vito Quizon, at iba pa.