MMDA, 4 LGUs nagtulungan kontra trapiko
- Published on August 28, 2026
- by Francis Paolo Torres
LUMAGDA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at apat na lokal na pamahalaan sa isang Memorandum of Understanding (MOU) upang palakasin ang koordinasyon sa pamamahala ng trapiko sa Marcos Highway.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paglagda kasama sina Pasig Mayor Vico Sotto, Marikina Mayor Maan Teodoro, Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, at Antipolo Mayor Casimiro Ynares III.
Sa ilalim ng kasunduan, pagtutulungan ng MMDA at mga LGU ang pagpapaalis sa illegal parking, mga sirang sasakyan, unauthorized terminals istruktura, at mga vendor na nakasasagabal sa daloy ng trapiko.
Maglalaan din ng traffic personnel para sa patuloy na pagbabantay sa Marcos Highway at mga konektadong kalsada, depende sa available na tauhan at resources.
Layunin ng hakbang na maiwasan ang matinding pagsisikip tulad ng nangyari noong Disyembre 6, 2025, nang maipit sa halos anim na oras na trapiko ang mga motorista sa Marcos Highway.