• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robot sa China nahigitan ang record ni Usain Bolt

NAHIGITAN ng isang robot ang record sa pagtakbo ni Usain Bolt sa 100 meter sprint.Pag-Aaral At Pagbili Ng Robotics Kits

Sa ginanap na World Humanoid Robot Games sa China, ay nakapagtala ang robot na 9.39 segundo sa nasabing event.

Mas maiksi pa ito sa nagawa ni eight-time Olympic gold medalist na si Bolt na nagawa noong 2009 na may oras lamang na 9.58 seconds sa 100 meters.

Ang nasabing robot ay gawa ng Beijing Innovation Centre of Humanoid Robotics at pinangalanan itong si “Lightning”

Nasa 2,000 na mga robots mula sa 16 na bansa ang lumahok sa iba’t-ibang kumpetisyon na ito gawa ng mga malalaking tech companies sa buong mundo.Pag-Browse Ng East Asian Cultural Products

Sa ginawang karera ay tinalo nito ang isa pang robot na gawa ng China.

Ilan mga events sa robot games ay ang boxing at football.

Kasama rin dito ang ilang gawaing bahay gaya ng pagtutupi ng mga damit.