• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Emergency Go Bags, ipinamahagi sa San Juan

SINIMULAN na San Juan City government ang pamamahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 kabahayan sa lungsod noong Miyerkules, Agosto 12, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na palakasin ang kahandaan sa sakuna at pagtugon sa emerhensiya sa antas ng kabahayan.

Ang ceremonial turnover ay pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang unang pamamahagi ng Phase 1 sa 21 Punong Barangay patungo sa mga residente ng mga barangay ng District 1 sa San Juan City Hall Atrium.

Kasama ng alkalde ang kanyang anak at Special Assistant to the Mayor, si Rocco Zamora, at iba pang mga opisyal ng lungsod sa pamamahagi.

Ang bawat Emergency Go Bag ay naglalaman ng mga sumusunod na mahahalagang suplay upang matulungan ang mga pamilya sa panahon ng mga sakuna, kalamidad, at iba pang mga emerhensiya.