Open din ang grupo na makipag-collab sa SB19…The CompanY, natuloy na rin ang pagsasanib-puwersa nila ng Neocolours
- Published on August 12, 2026
- by Francis Paolo Torres
NATULOY na rin ang pagsasanib-puwersa ng sikat na premier vocal ensemble na The CompanY at pop-rock band na Neocolours, para sa isang major concert na may titulong “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!”
Magaganap ito sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City at hatid ito ng Echo Jham Entertainment Production at DMC Philippines.
Si Moy Ortiz ng The CompanY, ang natanong sa grupo kung sino pa ang puwedeng maka-collab tulad ng isang band at lumitaw nga ang Neocolours.
Mabilis lang daw ang naging pag-uusap, nag-meeting na agad sila at si Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jam ang mag-produce ng concert na kung saan pang-lima na ito ng grupo.
Ang The CompanY ay binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos-Uy, Sweet Plantado-Tiongson, at OJ Mariano,
Inamin naman ni Moy ang mapaghamong ageism sa industriya ng musika at entertainment ay maaaring mahirap, ngunit sinabi na ito ay nananatiling isang dahilan na dapat ituloy.
Binanggit ni Ortiz ang mga veteran performer tulad nina APO, Martin Nievera at Gary Valenciano, Leah Navarro, Nanette Inventor na ang patuloy na karera ay nagsisilbing inspirasyon.
“It gives us hope that, you know, hindi pa tapos. Hindi pa tapos ang mga kuwento namin, musically, artistically.
“So, that’s my personal agenda, but mainly our main job is to bring joy and hope to our audience” pahayag niya.
Ayon naman kay Sweet, hangad ng kanilang concert ang pagbibigay sa mga manonood ng kumpletong entertainment experience.
“Itong mga grupong ito, yung generation ng entertainers na ito, after you watch the show, for sure, you will be entertained,” sambit ni Plantado.
Para kay Jimmy Antiporda ng Neocolours, ang kumbinasyon ng dalawang grupo ang dahilan kung bakit kaabang-abang ang concert.
Sinabi ni Antiporda na agad niyang nakita ang potensyal ng pakikipag-collab dahil ang mga vocal arrangement ng The CompanY ay umaayon sa tunog ng Neocolours.
“They’re a vocal group. They have original songs. Kami, we’re instrumentalist, one singer. Pag kinombine mo ‘yun, busog yung tunog,” pahayag ni Antiporda.
“And that’s our goal. Busugin sila ng musika namin. And they go home satisfied sila,”lahad pa niya.
Inihayag ni Ito Rapadas ng Neocolours na ang pagsasama nila sa concert ay matagal nang napag-usapan, taon na ang nakalilipas, ngunit dahil sa mga iskedyul ay paulit-ulit itong napo-postpone.
Bukod sa pagiging member ng Neocolours, hinaharap din nila ang pagiging producer, musical director at musikero.
“Tulad ng nasabi ko, way back, Moy already voiced out and had this idea ng Neocolours and The CompanY. Hindi lang talaga nagtutugma-tugma yung schedule,” pag-amin pa ni Rapadas.
At ang pinakahihintay na pagsasanib-puwersa ay natupad na rin sa wakas.
“Ngayon, 2026, sabi ko, pwede na talaga,” sabi pa ni Rapadas.
***AND speaking of collaboration, potential nga bang mangyari ang “The CompanY x SB19”?
Nagpahayag nga ng interest ang legendary OPM vocal quartet maka-collab ang P-pop Kings.
Kuwento ng The CompanY, “Actually no’ng 40th anniversary namin, we did come up with a song, ‘Bente,’ written by Moy and Sweet. It was actually a very witty ‘P-pop’ senior edition song, and we posted it, ang daming SB19 fans na nagsasabing ‘Collab na ’to!’”
Kaya ang sagot nila, open ang grupo sa isang actual cross-generational collaboration.
“We are open. We’d love to work with SB19,” sabi ng grupo.
Hirit pa ni Sweet, “Matututo kayo sa amin!”
Well, abangan na lang natin ang magiging sagot ng SB19 tungkol dito.
| Rohn Romulo | Thu 13 Aug, 22:15 (3 hours ago) | ||
to me![]() | |||
Open din ang grupo na makipag-collab sa SB19…
The CompanY, natuloy na rin ang pagsasanib-puwersa nila ng Neocolours
NATULOY na rin ang pagsasanib-puwersa ng sikat na premier vocal ensemble na The CompanY at pop-rock band na Neocolours, para sa isang major concert na may titulong “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!”
Magaganap ito sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City at hatid ito ng Echo Jham Entertainment Production at DMC Philippines.
Si Moy Ortiz ng The CompanY, ang natanong sa grupo kung sino pa ang puwedeng maka-collab tulad ng isang band at lumitaw nga ang Neocolours.
Mabilis lang daw ang naging pag-uusap, nag-meeting na agad sila at si Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jam ang mag-produce ng concert na kung saan pang-lima na ito ng grupo.Ang The CompanY ay binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos-Uy, Sweet Plantado-Tiongson, at OJ Mariano,
May personal na mensahe si Moy na ang mga artista ay maaaring magpatuloy sa paglikha at pagtatanghal anuman ang edad.
Inamin niya na ang mapaghamong ageism sa industriya ng musika at entertainment ay maaaring mahirap, ngunit sinabi na ito ay nananatiling isang dahilan na dapat ituloy.
Binanggit ni Ortiz ang mga beteranong performer tulad nina APO, Martin Nievera at Gary Valenciano, Leah Navarro, Nanette Inventor na ang patuloy na karera ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga matagal nang artista.
“It gives us hope that, you know, hindi pa tapos. Hindi pa tapos ang mga kuwento namin, musically, artistically. So, that’s my personal agenda, but mainly our main job is to bring joy and hope to our audience” he said.
Ayon namn kay Sweet Plantado na ang kanilang concert ay hindi lamang tungkol sa pagpapakita ng vocal ability kundi ang pagbibigay sa mga manonood ng kumpletong entertainment experience.
“Itong mga grupong ito, yung generation ng entertainers na ito, after you watch the show, for sure, you will be entertained,” sambit pa Plantado.
