• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa birong walang plastikan ang mga Kapuso…Fans ni AC, galit at walang humpay na binatikos si SASSA GURL (ni: REY PINEDA) 

INULAN nang batikos si Sassa Gurl a.k.a. Felix Petate dahil sa birong binitiwan nito.

Hanggang sa ngayon at ‘di pa rin humuhupa ang galit ng fans ni AC Bonifacio dahil sa birong iyon.

Nagsimula iyon sa presscon ng movie nilang ’Saving Cherry’ kung saan nagpasalamat si AC na talent ng Star Magic, dahil sa magandang pakikitungo sa kanya ng kanyang co-stars na halos Kapuso stars.

Biglang-bigla na lang sumabat ito si Sassa Gurl at pabirong sinabing….”Naloka ka sa mga Kapuso, ‘no…walang plastikan, ‘no!”

Kung kaya’t sabay bumawi si AC na mahal niya ang kanyang network at ang Star Magic.

Dahil doon ay walang humpay ang negatibong komentong natanggap ni Sassa Gurl sa kanyang mga social media platform. 

Agad naman itong nag-apologize sa mga netizen na nam-bash sa kanya.     Nagpasalamat din ito sa mga basher na nagkomento. Dahil daw doon, natuto siyang lalo mag-grow sa bagong mundong kanyang pinasok.

Moral lesson, huwag kasi tayong basta-basta nagkokomento ng negatibo.     

Hayan, tuloy kung anu-anong masasakit na salita ang natanggap niya.

Ang masakit pa, pinababalik ng mga netizen si Sassa Gurl na mag-Tiktok na lang at lisanin ang showbiz!

***  

KASALUKUYANG nasa bansa ang dating aktres na si Bangs Garcia kasama ang kanyang asawang si Lloyd Brichmore, na isang Filipino-British businessman. 

Kasama rin nila ang at dalawang anak na sina Amelia at Isabella.  

Pansamantalang tinalikuran ni Bangs ang showbiz noong 2017 upang ituon ang kanyang atensyon sa binuong pamilya, at sa hobby nitong painting.

Matapos itong maging naturalized British citizen noong 2024, masaya nitong ibinahagi na na-reacquire niyang muli ang kanyang pagiging Filipino citizen.

Kumbaga, dual citizen na nga si Bangs ng Pilipinas at ng United Kingdom.     

Subali’t wala pang ibinigay na detalye ang aktres kung magtatagal ito sa bansa.  ‘Di rin nito binanggit kung may proyekto ba itong gagawin.

Sa loob ng halos labing isang taong pananatili sa UK, nanatili itong productive.     Pinagkakaabalahan nito ang kanilang London-based Filipino restaurant na D’Cocina.

Kasabay nito ang pagiging isang lifestyle vlogger, brand endorser at events host.     

Sa ngayon daw ay ine-enjoy muna ng buo niyang pamilya ang kanilang bakasyon.     Bukas naman daw ito kung sakaling may magandang proyektong dumating.