• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong mas brutal ang latest single na ‘Pasta’…ANDREW E., sinisigurado na muling magmamarka ang mga bagong kanta (ni: ROMMEL GONZALES) 

MAY inspirasyon ang bagong awitin ni Andrew E. na “Pasta”.

“Unang-una, ang point of origin ng “Pasta” is you know, isang bagay na gustung-gusto natin, pero hindi naiiwan sa isipan mo yung bagay na iyun, e.

“Di ba? Naaalala mo lang iyan pag you know, kumakain ka sa restaurant, you know. Pero gustung-gusto natin yan.

“So maybe just like an Andrew E. song, gustung-gusto mo yung Andrew E. song, pero paminsan-minsan, e, hindi mo na naalintana na you know, naalala yung magagandang kanta ni Andrew E.

“Kasi sa rami na ng mga kanta ngayon na lumalabas, e, iyung panahon ngayon, puro mga bago iyung mga artist.

“So parang masyadong masikip! Masyadong masikip ang landas ngayon, ang music industry,” pahayag ni Andrew E. na pinagkalooban ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (kasama si Ms. Celeste Legaspi) sa nakaraang 17th Star Awards Awards for Music

Halos lahat ng mga kanta niya ay naughty at may double meaning, pero ang “Pasta,” ay may tame na version at mayroon ding pasabog na version.

“Ngayon, mas brutal. Ha! Ha! Ha!

“Kasi, you know why? Kasi dati yung pagiging liberated ko sa kanta, e di ba? What? 1990, 1991, napaka-early pa nun sa Pilipinas.

“So hindi pa tayo masyadong liberated, di ba? But nowadays, meron tayong cellphone, you know, social media and all that.

“Ganun na ka-high level iyung technology. Each and everone knows each and everything. Wala na silang hindi alam.

“E ang tanong, papaano mo ngayon kikilitiin ang tao kung alam na nila lahat. Iyan ang challenge, mas mahirap.

“That is why ang kanta na ito, will really surpass the challenge. It will surpass the challenge.”

Ang “Pasta” ang unang kanta sa bagong album ni Andrew E na ‘Wholesome Again’ na naglalaman ng anim na kanta.

Isa na rito ay ang collaboration nila ng anak niyang si MC Fordy na Andrew Fordy Espiritu ang real name.

Ito ay sa love song from space na “Interstellar”.

Samantala, sinisigurado ni Andrew E. na muling magmamarka ang mga bago niyang kanta.

“So for me, I created something, like, a song na every time pag narinig mo ang kanta na ito, hinding-hindi mo na makakalimutan yung pasta.

“Kasi magpapaalala sa iyo na natuwa ka, or nakuha ko iyung kiliti mo muli just like nung nakita ko at nakuha ko ang kiliti niyo nung ‘Humanap Ka Ng Panget,’ ‘Andrew Ford Medina,’ ‘Binibi Rocha,’ the rest, and ‘Banyo Queen.’

“That’s why for me, this song is bubulaga sa inyong lahat.”