• August 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakabalik na ang ‘Queen of All Media’…KRIS, may bonggang pasabog bilang C.H.I.K.A. ng Netflix PH (ni: ROHN ROMULO) 

“THE Queen is back!”

Totoo na nga ang pagbabalik nang nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino makalipas ang ilang taong paglaban sa kanyang kakaiba at patong-patong na karamdaman.  

Pinakilala si Kris sa promo video ng Netflix Philippines bilang kanilang C.H.I.K.A. (Chief Head of Insights and Kontent Analysis).Last August 7 sa kanyang Instagram page, naglabas si Kris nang pasilip sa collaboration nila ng Netflix PH.

“Netflix is hiring! Chief Head of Insights and Kontent Analysis. 

“Well, with my forty years of experience in commercials, TV, the movies, and let’s be honest, I was the very first to do online vlogging. This job is meant for me. So, Netflix, game na!” ayon sa teaser na pinost ni Kris.

Kasunod nito, opisyal nang inilabas ng Netflix Philippines ang pagbabalik ni Kris.

“Ano itong pasabog ni madam?! Kris Aquino is Netflix’s C.H.I.K.A. (Chief Head of Insight and Kontent Analysis) with some bonggang upgrades to local shows, Krissy style,” base sa video post.

Mapapanood sa reel si Kris na pumasok sa Netflix editing room ng 9:07 AM Netflix na kung saan nandoon editor na si Earl John na hindi pa natutulog.

“Hello everyone, good morning! Ako ang bago ninyong boss. The new Netflix C.H.I.K.A.“Are you ready para simulan na natin ang ating August campaign? Yes? Yes!” chika ni Kris. 

Nagbigay siya ng kanyang observation at suggestion kung paano mas magle-level up ang tatlong Pinoy teleserye, na isa-isang in-edit ni Earl John.  

Nakakaaliw talaga ang mga hirit ni Kris. At matapos makita ang final edits…“I love it! Ang bongga! We make a great team, what do you think?” sabi ni Kris kay Earl John.  Sa pagtatapos ng promo video, ang mga seryeng “A Secret in Prague”, “Blood vs Duty” at “The Master Cutter” ay pawang Kris Aquino approved na napapanood sa Netflix.Marami nga ang natuwa sa kanyang pagbabalik, na sana nga ay magtuloy-tuloy na lalo na ang pagbabalik-TV niya.