Balik-tambalan sa ‘Mommy Guard’ na newest offering ng MARVIN at JOLINA, masaya dahil hanggang ngayon ay buhay na buhay ang loveteam nila (ni: ROSE GARCIA) TV5…
- Published on August 7, 2026
- by Francis Paolo Torres
ANG “Mommy Guard” ang isa sa bagong offering ng TV5 na inanunsiyo sa “Tara Kapatid” 2026 Midyear Media and Trade Celebration.
Reunion ito ng loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa telebisiyon. Makakasama rin nila si Dominic Ochoa kaya parang balik “Gimik” feels tuloy.
Natawa na lang ang dalawa nang hiritan namin na talagang hanggang ngayon, pinagkakakitaan pa rin nila ang loveteam nila from the 90’s.
“Grabe yung pinagkakakitaan! Ha ha ha!,” sey ni Jolina.
Sabi naman ni Marvin, napag-usapan nga raw nila ‘yon sa pictorial. Pero siyempre, masaya ito na hanggang ngayon naman talaga ay buhay na buhay ang loveteam nila.
Ayon din kay Jolina, kung noon, mga nanay na ngayon ang mga fan nila, natutuwa sila na ang mga anak ng mga ito ay napapanood na rin sila.
Wala pang sinabi kung kailan ang airing ng kanilang series, pero walang-duda na kakaiba pa rin ang kilig nila. At mukhang forever na talaga ang kanilang tandem.
Samantala, patuloy na napapanood ang “A Secret in Prague” nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa primetime at ang punum-puno ng inspirasyon na “My Bespren Emman” nina Shaina Magdayao at JM de Guzman na bahagi na ng Hapon Champion ng TV5.
Tuloy-tuloy din ang bagong bihis na “Face to Face with Ate Koring” ni Korina Sanchez-Roxas. Bukod dito mapapanood din sa Kapatid Network ang “Rated Korina” sa pagpasok nito sa ika-30 taon.
Tinatangkilik din ng viewers ang ABS-CBN primetime series na magkasunod na pinapalabas sa TV5, ang “Sigabo” at “Someone, Someday”, pati ang games shows na “Everybody Sing” at “Kapamilya Deal or No Deal.”