• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa naging interview sa kanya ni Snooky…ALICIA, mariing itinanggi na nagkaroon sila ng anak ni JOEY (ni: REY PINEDA) 


KUNG matatandaan naging isyu noon ang pagkakaroon ng anak ni dating Paranaque Mayor Joey Marquez.

Noon din panahon na yon ay karelasyon ni Joey ang dating seksi aktres na si Alicia Mayer.     

Kung dati hindi sinagot ni Joey ang katanungan kung nagkaanak nga sila ni Alicia, ngayon tahasang sinagot nang huli ang matagal nang katanungan na hindi nalinawan.     Sa isang interview ni Snooky Serna sa kanyang “The Snooky Serna Channel” walang kagatul-gatol na sinagot ni Alicia ang matagal ng nabinbing katanungan.   

“Wala,” maikli nitong sagot.

“Kung noon hindi sinagot ni Joey ang katanungan na nyan, ngayon ko sasabihin na hindi kami nagkaanak.”     

Inamin din ni Alicia bukod kay Joey ay nauna nitong naging karelasyon si Edu Manzano.

Sa kanyang panayam, naikumpara nito ang dalawa bilang mga naging bahagi ng kanyang buhay sa showbiz.     

“Very pleasing, maaruga, at maalaga si Edu.     

“I would say na parang mabilisan yung ano namin…yung decision. And then we just have to stop talking to each other.

“And then, I think kapag nag-uusap pa kami lalong gumugulo, so both of us decided just to completely stop the connection.”     

Samantalang kay Joey ay maikli ang kanyang pahayag.     

“Mabait, nagpo-provide,  at caring din naman.”     

Tahimik na ang namumuhay si Alicia sa piling ng kanyang bagong pag-ibig.

Hindi nagbigay ng detalye ang aktres, pero bakas ang kaligayahan sa kanyang mukha.