Tinanggap ang ’Saving Cherry’ para suportahan si Barbie…MIKEE, never na magbibigay ng second chance sa mga manloloko (ni: ROHN ROMULO)
- Published on August 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGPAPASALAMAT si Kapuso actress Mikee Quintos sa Regal Entertainment at kanyang management kasama nga siya sa cast ng “Saving Cherry” na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at ipalalabas na sa September 2.
Ito pala ang first movie at first time niya makakasama ang tinaguriang Kapuso Primetime Drama Princess.
Kasama rin sa pelikula sina Khalil Ramos, Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, JC Alcantara at Kokoy De Santos.
Mula ito sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.Inamin ni Mikee na si Barbie ang isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang “Saving Cherry.”
“Sinabi ko kay Barbie na isa sa mga rason kung bakit din ako umoo is because she’s leading it,” pahayag ni Mikee na gumaganap na Beth sa comedy film.
“And for my very first movie, it’s an honor to support Barbie.”
Dagdag pa niya, “Girl, pasabog ka rito! Pasabog siya dito and I’m so honored to be part of that.
“I know it’s a milestone in your career, that’s why it will be a milestone in mine,”
Natanong ang buong cast na dumalo sa grand mediacon, kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga cheaters?Isa may magandang pananaw si Mikee, although lahat naman sila ay ’no’ ang sagot.“Deserve ba ng mga cheaters ng second chance? Full transparency. I used to believe na wala naman talaga kasing perfect,” lahad niya.
“So, I used to believe na puwede, okay lang ‘yon. And the important thing is the why, ‘yung sagot sa kung bakit nagawa.”
Pagpapatuloy pa niya, “But now I agree with Khalil na no because giving a chance to a cheater, ‘yung chance is hindi para don sa cheater, ‘yung compromise mas nasa iyo.
“So, no. No more. That’s the answer.”