• August 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maganda ang relasyon sa mga top brands…RAYMOND, may ‘k’ na mag-host para sa fashion story (ni: REY PINEDA) 


PUMIRMA na ng kontrata si Raymond Gutierrez  sa Bilyonaryo News Channel para sa news broadcasting show nitong “Agenda”.

Makakasama ni Mond sa nasabing show sina Korina Sanchez, Pinky Webb at Willard Cheng.  Hawak niya ang fashion story.

Sa katunayan, naganap ang first major coverage nito noong July 27, 2026 sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

In fairness, madalas ma-invite si Mond sa mga events ng mga luxury brands tulad ng Louis Vuitton.

Sabi nga nito, hindi lahat puwedeng ma-invite sa ganung klaseng event.     

Kumbaga, kailangan mo munang magkaroon ng magandang relasyon sa brand.  At ang imbitasyon ay dumadaan sa proseso.

Ayon pa kay Mond, maganda ang relasyon niya sa mga top brands.     

May mga pagkakataon pa nga raw na siya ang nagpo-produce ng events nito.

At dahil isang fashion fanatic si Mond, may karapatan naman na mag-host ng fashion story.