• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Amerika nag-celebrate ang kanilang birthday…DINGDONG at MARIAN, mas piniling magbakasyon kasama sina ZIA at SIXTO (ni: ROSE GARCIA) 

MAS pinili ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang magbakasyon ngayong kaarawan nila.

Parehong Agosto ang birthday nina Dingdong at Marian. Si Dingdong ay August 2, si Marian naman ay August 12. 

Kumpara sa mga nakaraang birthdays nila, lalo na si Dingdong, talagang nagpapa-party sila, especially with close friends and family. Pero ‘yun nga, ngayon ay mas pinili nilang mag-travel, magbakasyon kasama ang kanilang dalawang mga anak na sina Zia at Sixto. 

Given naman sa socmed post ni Dingdong kung nasaan sila. Nagkaroon na rin sila ng chance ni Marian na manood ng “The Odyssey” sa IMAX 70mm sa TCL Chinese Theatres IMAX in Hollywood, CA. 

Dasurv naman nilang mag-asawa ang mag-bakasyon lang, sabi rin ni Dingdong sa post niya, non-stop work din naman sila. 

Ang pelikulang shinoot nila, ang “Remember” ay ipalalabas na sa November 11 sa mga sinehan. 

***

Elijah at Miles, nababalitang nag-break na naman

PAREHONG hindi pa nagsasalita sina Elijah Canlas at Miles Ocampo. 

Balita kasi ngayon na mukhang break na naman daw yata ang dalawa.

Kung matatandaan, minsan nang nag-break ang dalawa noon at muling nagkabalikan.

Viral ang short video nina Elijah at ang runner-up ng second season ng “The Clash” na si Thea Ashley. 

No reaction din si Thea sa isyu sa kanila ni Elijah. The way kasi ng paghawak ni Elijah kay Thea ang sa aming palagay, nagbigay talaga ng impression na “may something ba sila?” or “sila na ba?”

Nagtanong-tanong kami at ang nasagap namin, “friends” lang daw sina Elijah at Ashley. Hmm… 

Upon checking, nagpa-follow pa rin naman sa isa’t-isa sa kanilang Instagram accounts sina Elijah at Miles.

So let’s wait and see.