• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payo ni Nadia, magpahinga at mag-enjoy…Sen. ROBIN, ‘di apektado dahil manhid na sa pambabatikos (ni: REY PINEDA) 

AYON kay Nadia Montenegro, wala na raw itong balak na muling balikan ang naiwang posisyon sa opisina ni Senator Robin Padilla.

Tungkol naman sa bali-balitang tatakbo si Senator Robin para sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksiyon, maikli pero makahulugan ang mga tinuran ng aktres.

“Thy will be done. Only God knows.     

“Ang tanong, gusto ba niya? Ako, hindi ko alam, basta alam ko ang gusto ko para sa kanya magpahinga siya at mag-enjoy ng life niya.”   

Paalala ng isang tunay na kaibigan para sa isang malapit na kaibigan.     

Ito lang daw ang hangad ni Nadia para sa kaibigan, ang maging masaya at maging stress-free at malayo sa demands ng public service.     

Sa rami nga nang bumabatikos ngayon sa senador online, nararamdaman daw ni Nadia na hindi apektado ang senador sa ingay ng mga kritiko.

Bilang isang dating political affairs officer, kilala na raw niya ang senador.

Manhid at sanay na sanay na raw ang senador na ipagwalang bahala ang mga negatibong kritisismo at mas pagtuunan nang pansin ang pagbibigay ng serbisyo sa sambayanang Pilipino.

***

NAMATAAN si Bea Alonzo na nanonood para sa pagtatanghal ng “Ang babae sa Septic Tank 4” sa PETA theater Center Philippines. 

Sa mga photos na naglabasan tila wala ang kanyang mister na si Vincent Co.     

Ayon kay Bea, natuwa siya dahil sa ang gagaling daw ng buong cast ng nabanggit na stage play.    

Idagdag pa raw dito ang husay at galing ni Eugene Domingo pagdating sa comedy.  

Sa isang uploaded video kung saan na-interview ang aktres, sinabi nitong hindi pa siya nakakagawa ng stage play.    

Pero alam niya na hindi ito nalalayo sa paggawa ng pelikula o ng serye sa telebisyon.     Kumbaga, pareho naman daw art form ang mga ito.

At ‘yun daw ang kagandahan ng mundo ng showbiz, puwedeng pagtawanan ang isa’t isa, at mag-celebrate.

At sa gabing iyon, isa si Bea sa mga taong nakipag-celebrate.