• August 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Loveless pa rin dahil wala pang dumarating…CLAUDINE, nakipag-date kay MILANO pero ‘di umabot sa relasyon (ni: ROMMEL GONZALES) 

ISANG birthday surprise ang inihandog kay Claudine Barretto ng mga taong nagmamahal sa aktres.

“Ayoko sana kasi nga, siyempre, nawala yung kuya ko, yung mommy ko.

“Parang… sabi ko, pass muna siguro itong birthday na ito. Pero alam mo, parang na-realize ko, dapat talaga siguro every birthday, mag-celebrate kahit maliit.

“Pero yun, sobrang happy. Sobrang happy ako,” bulalas ni Claudine na July 20 ang kaarawan.

Hindi raw tungkol sa pagkakaroon muli ng lovelife ang birthday wish ni Claudine.

“Wala muna! Ano muna, pause after 12 years. Nag-try naman talaga ako na, I mean, mag-date and all.

“Pero parang hindi pa para sa akin. Hindi pa siguro talaga dumarating.”

Nilinaw ni Claudine na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Milano Sanchez na kapatid ni Korina Sanchez.

“Hindi naman talaga naging kami ni Milano. We were dating, we were dating and hindi kami umabot ng two months.

“So… but we’re good friends. We still talk. We see each other from time to time. So, walang ano.”

Si Claudine ang choice ng may-ari ng Maddox Jewelry na si Miss Charo Cordial na gumanap kapag isinalin sa pelikula ang buhay ng Diamond Queen na si Charo.

At rebelasyon ni Claudine, “Ginawa ko na yung buhay ni Miss Charo… hindi ko pa alam kay Miss Charo kung saan niya ipapalabas.

“Pero may isa pa kaming shooting day. And sobrang ganda ng buhay niya. Nakakatuwa, kasi nga isa rin siyang Claudinian.

“So parang nakakatuwa lang na siyempre, pag nakikita mo, ‘di ba, isang Claudinian na nagiging successful sa buhay.

“Parang feeling mo, ikaw rin. Naka-contribute ka dun sa buhay niya.

“So parang na-inspire ka,  naging inspirasyon ka niya kahit konti.

“So, malaking bagay sa akin, kaya tinanggap ko agad.”

Bukod sa pagganap bilang si Charo, isa rin si Claudine sa mga celebrity na rumampa sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show kasama sina Ryza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Edgar Allan Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, Negi, Aubrey Miles, Troy Montero, Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Jiana Avery Cordial, Ara Mina, Beauty Gonzales, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Jeric Raval, Gary Estrada, Alma Concepcion, Pokwang, Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, Eric Quizon at sina Roderick Paulate at Carmi Martin.