• August 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labis ang papasalamat dahil matagumpay ang fashion show… CHARO, gustong makilala ni MARIAN at si CLAUDINE ang choice sa life story (ni:  ROHN ROMULO) 

BAGO ang bonggang-bongga and star-studded na Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 ay humarap muna sa entertainment media ang CEO at tinagurian na Queen of Diamonds na si Ms. Charo Cordial, na aminadong kinakabahan dahil hindi pa siya sanay.

Ilan nga sa natanong sa kanya, kung sakaling gagawin ang success story niya, sinong aktres ang gusto niyang gumanap?

“Si Ms. Claudine Barretto, alam nyo po kasi dati, nanonood ako ng mga serye niya tulad ng ‘Mula Sa Puso’.  At isa ako sa batang na pinapangarap na makita lang siya before,” sagot niya.

At dahil nga tungkol sa diamonds ang fashion show, may naghahanap kung bakit daw wala si Diamond Star Maricel Soriano.  Paliwanag niya, marami pa raw wala sa show tulad ni Ai-Ai delas Alas na nasa Amerika.  Si Maricel naman ay hindi available that night.

Aminado naman na may isang aktres na gusto niyang makilala…

“Gusto ko talagang makilala si Ms. Marian Rivera, kasi ang ganda-ganda niya,” tila may kilig pang pahayag ni Ms. Charo.

Anyway, nagsama-sama ang mga celebrities na rumampa na kung saan suot-suot ang mga nakakalulang diamond collections ng Maddox Jewelry.

Si Ms. Korina Sanchez-Roxas ang nagpakilala kay Ms Charo Cordial na nagbigay ng kanyang pasasalamat sa celebrities na nanood at sumuporta. 

Hindi rin siya kinalimutang i-acknowledge ang entertainment press, bloggers, at influencers na nag-cover ng naturang successful event, na dinirek ng famous iconic fashion director na si Robby Carmona.

Narito ang mga rumampang celebrities ayon sa kani-kanilang grupo na kinabibilangan, na kung saan nagningning sila sa suot na Maddox diamond jewelry collections.

ICONS OF FORMS AND RADIANCE:

Ryza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval & Aljur Abrenica, Kris Bernal, Edgar Allan Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, Negi and Aubrey Miles & Troy Montero.

ICONS OF BRILLIANCE AND ELEGANCE:

Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Jiana, Avery Cordial, and Ara Mina.

ICONS OF TIMELESSNESS:

Beauty Gonzales, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Jeric Raval, Gary Estrada, Alma Concepcion, Pokwang and Claudine Barretto

ICONS OF LEGACY:

Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, Eric Quizon

and Roderick Paulate & Carmi Martin.

Ilan sa mga artistang nakita naming nanood para sumuporta sa event ni Ms. Charo sina Nadia Montenegro at Ynna Asistio, Dennis Padilla, Anjo Yllana, Arlene Muhlach, Lovely Rivero, Rochelle Barrameda, at Kitkat.

Sa finale ng fashion nagpalit ng gown si Ms. Charo para rumampa at kasunod nito ay muling lumabas ang celebrities sa fashio show na nakaroon din ng photo-op kasama ang matagumpay at sikat na CEO ng Maddox Jewelry.