PEKENG TRAFFIC ENFORCER, INARESTO SA MAYNILA
- Published on August 12, 2026
- by Francis Paolo Torres
ARESTADO ang isang nagpanggap na Traffic Enforcer at naka-uniporme ng MTPB habang naninita ng mga motorista sa kahabaan ng Road 10 kanto ng Jacinto St., Tondo Manila Lunes ng gabi.
Kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority and Official Functions) and Art. 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia) of the Revised Penal Code ang naarestong suspek na si Marc Leonard Arquero ng Inocencio St., Brgy 95, Tondo Manila dahil sa reklamo nina
Traffic Enforcer Kenneth Naval, Oscar Del Leon at Marvin Manuel.
Sa ulat ni Pat Royce Kevin Lopez, naka-duty ang mga Traffic Enforcers sa nabanggit na lugar bandang alas-6:20 ng gabi nang napansin nila ang suspek, naka-uniporme din ng MTPB na nagmamando at sumisita ng mga motorista sa kanto ng Road 10 vorner Jacinto St.
Nilapitan nila at nagpakilalang mga miyembro ng MTPB, hiningan ng identification at nang walang maipakita ay inaresto ito.
Narekober sa suspek ang kanyang MTPB upper garment official uniform na may marking na MBA 8-10-26 na may signature. (Gene Adsuara)