• August 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted sa carnapping sa Manila, nalambat ng NPD sa Malabon

TIMBOG ang dalawang indibidwal kabilang ang 29-anyos na bebot na kapwa wanted sa kasong carnapping sa Manila nang matunton ng pulisya sa Malabon City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni ng Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang operation laban sa dalawang akusado na kapwa residente ng Brgy., 18, Caloocan City.

Nasukol ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU-NPD) ang lalaking akusado na edad 32, welder, sa Brgy., Longos, habang sa Barangay TaƱong, kapwa ng Malabon City nakorner ang babaeng akusado.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 36, Manila para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na may inirekomendang piyansa na tig P300,000 bawat isa.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)