National Bank Open organizer, gulat sa Pinoy power ni Eala at ng buhos ng fans nito
- Published on August 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGULAT ang organizer ng National Bank Open sa Canada sa bilis ng pagkaubos ng tickets sa mga laban ng Pinoy tennis star na si Alex Eala.
Ayon kay Karl Hale, tournament director ng WTA 1000 event, hindi inaasahan ang dagsa ng mga Pilipinong fans na sumuporta sa laban ni Eala kontra American player Alycia Parks nitong Huwebes, Agosto 6.
Sa naturang laban, nanaig si Eala sa score na 6-1, 4-6, 6-2 upang makapasok sa third round.
Bilang tugon sa dami ng Pinoy supporters, nag-alok ang organizers ng “adobo chicken” sa food court ng Sobey’s Stadium na may seating capacity na 10,077.