• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Arjay Mea, Nagdiwang ng Kaarawan Kasama ang mga Taga-Tiaong sa Bagong Multi-Purpose Building

TIAONG, QUEZON — Bagama’t noong Hulyo 24, 2026 pa ang aktuwal na kaarawan ni Mayor Vincent Arjay Mea — na pinili niyang ipagdiwang nang pribado kasama ang kanyang pamilya sa abroad — ay naging makabuluhan, engrande, at masaya pa rin ang huli nitong selebrasyon kasama ang kanyang mga nasasakupan noong ika-3 ng Agosto 2026.

Ginanap ang pagtitipon sa bagong gusali ng Multi-Purpose Building sa bayan, kung saan personal na nakiisa ang pamilya ng alkalde upang ipakita ang kanilang buong suporta.

Nagningning din ang okasyon sa pagdalo ng mga lider ng bayan sa pangunguna ng kasalukuyang Vice Mayor na si William Razon, kasama ang dating Vice Mayor na si Dick Umali. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Tom Ilao, Konsehal Maja Escueta, Konsehal Jonas Atienza, at Konsehal Recrec Baldeo, kasama ang iba pang mga konsehal ng bayan at ang hepe ng kapulisan ng Tiaong.

Dinaluhan din ito ng kanyang mga malalapit na kaibigan at iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang mga Punong Barangay at opisyal, mga barangay tanod, Homeowners Associations (HOAs), Rotary Clubs, iba’t ibang samahan, women’s groups, at mga kabataan.

Lalo pang naging buhay at masaya ang programa dahil sa inihandang live band. Mas lalo pang pinasigla ang okasyon sa pangunguna ng Head ng Tiaong Public Information Office (PIO) na si Binibining Monica Baldeo, kasama ang mga kasamahan niya sa departamento, na nag-alay ng mga awitin at nagbigay-saya sa mga kababayang dumalo sa naturang pagdiriwang. 

(Kim Bornella/ Photos Boy Morales)