• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero System Loss Act, isinulong ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno

UPANG matigil na ang pagpasa ng system loss charges at mapagaan ang dinadalang pasakit ng tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa consumes, isinusulong ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na alisin ang ipinapataw na system loss charges sa singil sa kuryente at palakasin ang pagkakaroon ng accountability ng mga distribution utilities sa pamamahala ng kanilang system losses.

Sa House Bill No. 10585, sinabi ni Diokno na ang ipinapataw na system loss charges ay nasa 5% ng average electricity bill. Sa pagitan ng Agosto 2025 at Hulyo 2026, ang isang tahanan na kumukunsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) kada buwan ay nagbabayad ng average na P1,787.38 na system loss charges para sa kuryente na hindi naman nila nakonsumo.

“This is unjust and unfair. Why would we let consumers, who have no control over the operation of the distribution system, shoulder the cost of system losses,” ani Diokno, na naghain ng panukala kasama sina Akbayan Party-list Reps. Perci Cendaña at Dadah Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Ayon kay Diokno, dahil sa pagpayag na sagutin ng consumers ang system losses ay nagbigay daan para mawala sa mga distribution utilities ang pressure sa pagmodernisa ng kanilang tumatandang infrastructure, pagpapabuti sa operational efficiency, at pagpapalakas sa mga anti-pilferage na hakbang.

“As a result, honest paying households, including those in the lower income brackets, are forced to subsidize these inefficiencies and answer for stolen electricity,” giit nito.

Layon ng panukala na amyendahan ang Section 43 (f) ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa pamamagitan nang pagbabaal sa mga distribution utilities na ipasa ang kanilang technical at non-technical system losses sa consumers sa pamamagitan ng electricity rates o iba pang billing mechanism.

Palalakasin din ng panukala ang pananagutan o accountability ng distribution utilities sa pamamagitan ng pagrerequire sa kanila na isama ang system losses bilang bahagi ng kanilang ordinary costs and risks sa paglalaan ng electric distribution services.

Inaatasan naman sa panukala ang Department of Energy (DOE), the National Electrification Administration (NEA), at Energy Regulatory Commission (ERC) na tulungan ang mga electric cooperatives sa pamamagitan ng modernization programs, technical assistance, infrastructure upgrades, at access sa financing, partikular na yaong nagseserbisyo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas. 

(VINA de GUZMAN)