Pinay tennis star Alex Eala, pinuri dahil sa paggalang sa watawat
- Published on August 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINURI ni Historical Sites Development Officer II Eufemio Agbayani III ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) si Pinay tennis star Alex Eala dahil sa ipinakita nitong paggalang sa pambansang watawat.
Kasunod ito ng kumalat na video kung saan makikitang humihingi ng autograph ang mga tagahanga sa DC Open champion. Isa sa mga fans ang nag-alok na pirmahan ni Eala ang Philippine flag, ngunit magalang itong tinanggihan ng atleta.Sanggunihang Pang-heyograpiko
Batay sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusulat o paglalagay ng anumang marka sa pambansang simbolo. May kaakibat na parusa ang sinumang lalabag sa probisyong ito.
Bagama’t maliit na kilos lamang, malaki ang ipinahihiwatig ng ginawa ni Eala—ang kanyang matibay na respeto sa watawat na kanyang ipinagmamalaki tuwing siya’y lumalaban sa loob ng korteng tennis.