• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko pinag-iingat publiko vs mga sakit ngayong tag-ulan

PINAG- IINGAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang publiko laban sa posibleng pagdami ng mga sakit na karaniwang nakukuha tuwing tag-ulan kasabay ng panghihikayat sa mga residente na magpatupad ng mga hakbang upang makaiwas sa pagkakasakit.

Sa kanyang “Talk to the People” livestream, sinabi ni Domagoso na nakapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness (ILI). Hanggang Agosto 3, umabot na sa 845 ang naitalang kaso ng ILI, 2,105 kaso ng dengue, 111 kaso ng leptospirosis, at 77 kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula Enero 1.

Ayon sa alkalde, kabilang sa mga tinatawag na “WILD” diseases ang water-borne diseases, influenza, leptospirosis, at dengue. Nilinaw naman niyang nananati­ling mana­geable ang mga naitalang kaso ng ­COVID-19 sa lungsod.

Hinimok ni Domagoso ang publiko ugaliin ang paghuhugas ng kamay, umiwas sa paglusong sa baha, at pansamantalang ihiwalay ang sarili kung may sintomas ng sakit upang hindi makahawa sa iba. Maaari aniyang makuha ang leptospirosis mula sa bahang kontaminado ng ihi ng daga o iba pang hayop. Ugaliin din ang pagsusuot ng facemask sa mga enclosed public spaces.