• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUVs group bubusisiin sa taas-pasahe – LTFRB

SASALANG ang mga grupo ng transport groups mula sa pampasaherong jeep, UV express, motorcycyle taxi, at taxi service sa pagbusisi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Lunes, August 3.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza, hihimayin ng ahensiya rito ang iba’t ibang fare hike petitions ng naturang sektor para maisalang sa pagbusisi ng LTFRB Board.

Sinasabing mula P2 hanggang P10 ang taas-pasahe na hirit ng ibat ibang transport group dahil sa lingguhang taas sa presyo ng petrolyo na lubhang may malaking epekto sa kanilang kita sa araw araw.

Binigyang diin ni Mendoza na oras na makinig ang sentimiento ng bawat grupo, ito ay agad na tatalakayin ng board.

“It will be a good opportunity for each petitioner para mapaliwanag nilang mabuti saan nanggagaling ang kanilang mga petisyon. Nandun din naman ang mga commuter groups also to ask questions, para maliwanan natin ang best way to move forward sa petisyon na to,” sabi ni Mendoza.