Oplan Linis: Divisoria, Mas Maaliwalas at Ligtas na para sa mga Mamimili
- Published on August 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAS ligtas at maginhawa na ang pamimili sa Divisoria matapos ang isinagawang malawakang clearing at cleaning operations doon.
Ang operasyon ay pinangunahan nina PMajor Jade Christian Dela Torre (Asuncion PCP Commander) at PLTCol. Gilbert C. Cruz (Station Commander, PS-2). Isinagawa ang clearing alinsunod sa direktiba ni Mayor Isko Moreno na ibalik ang luwag at kaayusan sa mga kalsada.
Dahil dito, mabilis na nagpahayag ng pasasalamat ang mga mamamayan at mga regular na mamimili kay “Yorme.” Anila, mas panatag na silang maglakad sa Divisoria dahil nawala ang matinding pagsisikip at nabawasan ang banta ng kriminalidad.
Ang Divisoria ang itinuturing na pangunahing sentro ng komersyo at murang bilihin sa Lungsod ng Maynila. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagmamalasakit at pagtupad sa pangako ng alkalde na maghahatid ng tunay na serbisyong pampubliko para sa mga Manilenyo.
(Sonny Asignacion)