153K estudyante, sumabak sa UPCAT 2027
- Published on August 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
PANSAMANTALANG isinara kahapon ang mga recreational biking at jogging sa UP Diliman Campus sa Quezon City para sa libu-libong estudyante na inaasahang kukuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2027 na nagsimula kahapon Sabado, August 1 hanggang August 2, Linggo.
Ayon kay UP Office of Admissions Director Gerald Pio Franco, inaasahan nilang aabot sa 153,000 na aspiring Iskolar ng Bayan sa buong bansa ang susubok sa two-day entrance examination, kasama na ang 53,000 applicants na kukuha sa testing centers sa UP Diliman.
Inaasahang madadagdagan pa ito mula sa additional walk-in applicants.
Isinasagawa ang UPCAT sa 118 testing centers sa buong bansa sa siyam na UP campuses at 109 partner schools at non-UP testing centers.
Nanatili namang competitive ang UP undergraduate programs. Bukod sa UPCAT performance, sinusuri ang mga aplikante base sa Grades 8 hanggang 11 academic records, kasama ang socioeconomic, at geographic factors.
Kasama sa UPCAT ang apat na subtests tulad ng Language Proficiency in English and Filipino, Science, Mathematics, and Reading Comprehension in English and Filipino. Ilalabas ang UPCAT results sa first half ng 2027.