App ginawa ng isang commuter upang mamonitor ang takbo ng LRT, MRT trains
- Published on July 31, 2026
- by Francis Paolo Torres
ISANG software engineer na nagngangalang RJ Cruzem ang nakalikha ng isang application na tinatawag na public commuting visibility platform na makapag- monitor ng takbo ng operasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT 3).
“Additionally, unexpected glitches in railway operations would cost passengers time for work and other personal activities. To turn this frustration of waiting into a solution, I developed Transight, a public commuting visibility platform that tracks the operations of the LRT and MRT.I had a thought if it is possible for passengers to know exactly where their trains are or if they are moving. I also drew inspiration from FlightRadar 4, which monitors the arrival times of planes,” wika ni Cruzem.
Ang nasabing app ay gagamit ng multiple source inputs kasama na rin ang devices at hardware tracker na ilalagay sa mga train.
Naglalayon ang Transight na makapagbigay sa mga pasahero ng isang impormasyon na mas maganda bago pa man sila sumakay o habang naghihintay sa train.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap ang team ng Transight sa mga sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa mga train system sa Metro Manila tulad ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation (DOTr)
Ang focus ng team ni Cruzem sa ngayon ay gumawa ng isang matatag na produkto at makukuha ng mga feedback sa mga gagamit nito. Patuloy pa rin ang kanilang pagsasaliksik upang mas maging maganda ang nasabing platform.
Sa pamamagitan ng platform na nasabi, ang operators ng mga rail system ay magkakaron ng actual movement ng mga trains sa tracks na makakatulong upang makapag respond agad kung mayron aberya o technical problems sa trains.
Hinahangad din ng Transight na magkaroon ng expansion ang platform sa road-based public transportation tulad ng buses.
Ilulunsad ng Transight ang app sa Google Play Store sa darating na August at Apple Store sa pagitan ng September at October ngayon taon. LASACMAR