• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsimula ang isyu sa post ng asawa, ’the best year SARAH, pinagdududahang buntis na sa first baby nila ni MATTEO (ni: REY PINEDA) ever’…

BUNTIS nga ba si Sarah Geronimo?

Marami kasing naglalabasang balita sa social media tungkol dito.  Ang espekulasyon ay gawa ng mga fans ng singer/actress.

Ayon sa balita, nagsimula ang isyu tungkol sa nasabing pagbubuntis ng mag-post si Matteo Guidicelli.     

Binati ni Matteo si Sarah para sa kanyang 38th birthday nitong July 25, 2026 sa kanyang social media account.  

Ang nagbigay kulay ay ang post nitong “the best year ever”. Kasabay ng post, ang mga latest videos ni Sarah. 

Isa sa mga dumagdag sa espekulasyon ay ang pagkansela nito sa dapat sanang show nito para sa isang music festival. Hindi raw iyon makakabuti para sa kanyang kalusugan at pinagpapahinga raw ito ng kanyang doktor.     

At ang lalong nagpatindi sa isyu ay ang pagbabati nina Sarah at ng kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. 

Kung saan may mga in-upload pang video kung saan makikitang nag-duet sina Sarah at ang kanyang ama.

Kung totoo man ang isyu, ano naman ang masama dun?     

May asawa naman si Sarah, at hindi naman lihim yon.     

Kunsabagay, karapatan naman ni Matteo na pangalagaan ang kanyang binubuong pamilya. Hindi naman natin siya masisisi kung ililihim muna nila ang totoo.

Well, hintayin na lang natin sa mga susunod na buwan kung lolobo talaga ang tiyan ni Sarah.

***

HINDI maramot ang singer na si Darren Espanto.

Dahil kahit sa kalye ng Australia ang nagbigay ito ng konting kasiyahan para sa kanyang mga fans.     

Kasalukuyang nasa Australia si Darren, kasama ang buong grupo ng mga artists para sa Team ASAP XP show nila.

Nagpamalas nga ng kanyang world class talent ang nasabing singer/host sa isang busking session sa kalye.     

Makikita sa in-upload na video ang isang gitarista na mukhang pinoy at tinutugtog ang “I’ll Never Go” na nagkaroon din ng version si Erik Santos.

Napapaligiran si Darren ng kapwa artist niyang sina Donny Pangilinan, Robi Domingo, di kami ssure sa mga babae kasi nakatagilid ang shot,e.     

Hinihintay na nga lang namin kung gagayahin ni Darren ang boses ni Erik, e.     

Kaso, version niya ang narinig namin.