• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala raw malisya ang pagiging close nila…Pagli-link kay JERIC sa lady producer, tahasang itinanggi ang akusasyon (ni: REY PINEDA) 

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang isyu tungkol sa baguhang film producer na si Miss Sucil Nipa.

Tatlong lalaking artista ang nali-link sa nasabing lady producer.     

Nagsimula ang isyu dahil sa isang blind item.  Sa bandang huli, pinangalanan na ang nasabing aktor – si Jeric Gonzales. 

Sa latest interview ng katotong Morly Alinio sa kanyang Youtube channel na Morly Alinio (Ito Ang Tondo), tahasang itinanggi ni Miss Sucil ang mga akusasyon.

Ayon sa kanya, close lang daw sila ni Jeric. At ganun daw ang treatment niya sa kanyang mga artista.

Harutan pa nga ang terminong ginamit nito sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga artista.  Kahit nagbigay ng paliwanag si Miss Nipa, may resibo.

May kumalat na video kung saan umiinom siya ng alak, at makikita sa video na umaaligid siya kay Jeric. Inakbayan niya ang aktor at niyapos na magkalapit ang kanilang mga mukha.    

May dialogue pa ito na kung handa raw ba si Jerric na pakasalan siya.  Sagot naman ng aktor, darating tayo diyan.

Paliwanag ni Miss Nipa, gawa-gawa lang daw ang eksenang iyon na puwedeng gamitin sa isang future film. 

Kung panonoorin ninyo ang video, hindi kakikitaang umaarte si Jeric.  Natural ang sagot nito.

Pero ayon mismo sa producer, wala raw malisya sa kanya yon. Katuwaan lang dahil mga nakainom.  Bakit bakas sa mukha ng aktor na parang hindi naman ito lasing.

Hindi pa natatapos diyan ang isyu.

Tila mahilig sa mga letter “J” si Miss Nipa.     

Dalawa pang aktor ang nali-link sa kanya. Sina Jay Manalo at Jeric Raval!

Subalit aminado si Miss Nipa na crush niya si Jeric Raval noon pa man.

May mga video rin na naglabasan, kung saan tila nagselos pa itong si Jeric Raval.     Sa isa kasing video, tila nag-deny siya na nakasama niya si Jay Manalo.

Sa bandang huli, binanggit ng producer na hinding-hindi sya papatol sa bata. Kung papatol man daw siya ay sa isang katulad niyang negosyante.

Ayaw raw niyang maging sugar mommy, at hindi pa raw siya ganun katanda!