• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit challenging ay enjoy sila sa taping ng serye…ANDREA, bonding to the max ang sitwasyon nila ni ALDEN (ni: ROMMEL GONZALES) 

BONDING to the max ang sitwasyon sa pagitan nina Alden Richards at Andrea Torres sa taping ng kanilang upcoming GMA medical drama series na ‘Code Grey’.

Base sa report ni Aubrey Carampel sa ’24 Oras’ kamakailan, ikinuwento dito ang tungkol sa kanilang medical training na bagamat challenging at mahirap ay in-enjoy pa rin nina Alden at Andrea ang paggawa ng kanilang bagong teleserye.

Lahad ng Sparkle actress na si Andrea, “Para kaming barkada on set.

“To the point na nilalapitan na kami na huwag muna kami magsama-sama kasi kailangan na namin i-shoot ang eksena.

“Sobrang everytime na nagka-cut, lokohan agad, tawanan!”

Sinabi naman ni Alden na importanteng magaan ang mood sa set at kumportable sila sa isa’t-isa ng mga katrabaho niya.

“Mahirap gumawa ng isang proyekto na hindi ka kumportable sa mga katrabaho mo, and for some reason, iba ibang flavor yung nabibigay ng actors na kasama ko dito.”

Bukod kina Alden at Andrea, makakasama rin sa Code Grey, na malapit na mapanood sa GMA, sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, Jon Lucas at Christian Bautista.