• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Next month na ang taping at ipalalabas sa September…JOLINA at MARVIN, tuloy na tuloy na ang balik-tambalan sa TV5 (ni: ROHN ROMULO) 

LAST month may mga sitsit na lumalabas na magkakaroon ng reunion project sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa TV5.At sa pagpasok ng July, marami ang naglabas ng post na ‘July Na’, na kasunod palagi ang larawan o video clip ni Jolina.July 1 unang nag-post si Direk Roman Perez Jr. na tila teaser na gagawing project, may caption ito ng, “MOMMY” (na may guard emoji) at ni-repost niya ang Facebook post ng ABS-CBN News ng art card na may photo ni Jolina at nakalagay na ‘July na!’ na may caption na July na, mga momshie!Kasunod niyang ni-repost ang post ni Marvin ng ‘JULY NAAAAA!!!!’ na kasama ang old photo nila ni Jolina.  Comment ni Direk Roman, “Ready.”July 5 and 9 may FB post uli siya ng ‘July Na!’ Kasama ang pinost ng Preview.ph. at ABS-CBN Film Productions Inc.July 10, muling nag-post si Direk Roman but this time ang caption niya ay ‘July Na! (Red heart emoji) August 10’, kasama ang movie clip ng “Labs Kita, Okey Ka Lang”.July 13, caption naman niya, ‘Tara Na! July Na! (red heart emoji) August 10’, kasama ang kanyang production team at nagkasunud-sunod pang kanyang mga post na may hashtags na #JulyNaAugus10 #TaguangNgFeelings.Hanggang sa ilabas na 

kahapon, July 22 ang mga photos kasama sina Jolina, Marvin at Dominic Ochoa.  Sa August 10 na raw sila magsisimula ng taping at may napansin kami sa isang group photo na may ‘Guard Ko si Babe’, mukhang ito ang title ng morning series.Mapapanood ito sa TV5 na magiging pre programming ng ‘Eat Bulaga!’, pero may tsikang na magsisimula na raw itong ipalabas sa September 14.

Kasama sa cast sina Susan Africa, Cedrick Juan, Roxanne Guinoo, Pearl Gonzales, at ilang talents ng Star Worx.

***

PlayTime Entertainment at iWant, sanib-pwersa sa paglikha ng mga original Filipino Content

NAGKAISA ang PlayTime Entertainment at iWant ng ABS-CBN Corporation upang gumawa ng mga orihinal na programang Pilipino, simula sa romantic comedy na “Will You Fake Marry Me?” na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith, at “Sparks Camp Season 4”. 

Ang pagsasamang ito ay ang una sa ilang proyektong naglalayong maghatid ng de-kalidad na nilalamang lokal na tatatak sa mga Pilipinong manonood. 

Ang pakikipagtulungan ito sa PlayTime Entertainment ay nagbibigay pahintulot na kami ay gumawa ng mas maraming kuwento, lalo’t higit ay itaas ang kalidad ng mga programa,” pahayag ni Jolly Estaris, Head ng iWant. 

“Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng aming mga creative expertise sa pangako ng PlayTime Entertainment sa paghahatid ng mga makabagong istorya, patuloy kaming magbibigay ng mga nilalamang akma sa mga Pilipinong manonood habang itinataas ang pamantayan para sa local entertainment.”  

Ayon sa PlayTime Entertainment, ang kanilang pagsasama sa proyektong ito ay sumasalamin sa pangakong lumikha ng mga orihinal na nilalaman na hinubog batay sa pananaw ng mga manonood at makabuluhang pagkukwento. 

Patuloy kaming makikinig at iintindi sa kung ano ang gusto ng aming mga tagapanood sa pamamagitan ng patuloy na pagsasaliksik at pakikipagugnayan,” sabi ni Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment. 

“Bagaman inumpisahan namin sa pamilyar na pormula ng romantic comedy, nasasabik kaming tumuklas nang higit pa sa genre na ito at sumubok ng iba’t ibang konsepto ng kuwento, tema, at mga talento. Ang layunin namin ay hindi lamang magbigay saya kundi magkapagambag sa pag-unlad ng Filipino entertainment.

Sa hinaharap, sinabi ng PlayTime Entertainment na nais nitong palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa iWant sa pamamagitan ng pagbuo ng mas maraming orihinal na produksyon sa iba’t ibang genre, paglikha ng mga kuwento nakakaaliw, nagdudugtong sa mga manonood at sumasalamin sa magkakaibang karanasan ng mga Pilipino.