Matapos ma-bash dahil sa ‘di pagbanggit sa aktres…VICE GANDA, sinabing magkausap sila ni KIM at hindi nag-aaway (ni: ROSE GARCIA)
- Published on July 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
MATUTULDUKAN na kaya ang isyu sa pagitan nina Vice Ganda at Kim Chiu at ng kanilang mga fans?
Sa “It’s Showtime” kasi nitong Miyerkules, marami ang nag-abang kung may mag-a-absent kaya sa kanilang dalawa o ano ang mangyayari sa paghaharap nila.
Parang kaswal naman at parang wala silang isyu kaya ang reaksyon ng mga netizen, okay na, nagka-ayos na ang dalawa.
Sa mga hindi nakakaalam, nagsimula ang isyu sa tila parunggitan nila sa X, dating Twitter. Nang manalo at tumanggap ng awards si Vice sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards bilang Best Variety Show, at si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment para sa “It’s Showtime.”
Tila hindi matanggap ng mga fan ni Kim na nabanggit ni Vice ang lahat halos ng hosts ng IS, pero hindi si Kim. Pinagba-bash o inaway si Vice ng mga fan ni Kim.
Kaya tinawag na “kacheapan” ni Vice ang mga ito at tinag si Kim.
“Grabe the kacheapan of these fans! Look @prinsesachinita,” X post ni Vice.
Nag-post din si Kim na madaling ipagpalagay na sagot niya kay Vice kaya ang dating, nagparunggitan na sila, “Ayaw ko na sanang palakihin ito. Pero bilang mga taga supporta hindi naman cguro ka cheapan ang tawag duon. Cguro po marahil sa sobrang pagmamahal at supporta nila sa idolo nila ay protective sila.
“Initial reaction po cguro ito. Hindi sa tinolerate ko sila pero sana hinayaan na natin ito. Kung wala ang mga taong sumusuporta at lubos na nagmamahal sa atin wala din tatangkilik sa lahat ng ginagawa natin.”
Ang iba pang X post ni Vice, “Sa aking mga LITTLE PONIES hindi sapat at katanggap tanggap na dahilan na mahal nyo ko para maging masama kyo sa iba. Ipinagpapasalamat ko ang suporta nyo but i will not enable your toxic behavior just because i seek ur support. I love you my mature and thinking Little Ponies!
“Sa mga kamag anak ng Nanay ko sana po wag nyo kong ibash dahil nakaligtaan kong imention ang Nanay ko sa speech ko kagabi.”
At ang recent post niya, “Ay di po kami magkaaway. Magkamessage po kami now. As enn.”
Sa isang banda, bakit nga ba sobrang big deal kung hindi nabanggit ang pangalan ni Kim? Hindi ba pwedeng dahil sa live ay nakalimutan lang talaga?