Balitang ‘bankrupt’ na raw ang tech business ng asawa…IZA, lumalabas na walang kaalam-alam sa problema ni BEN (ni: REY PINEDA)
- Published on July 20, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGSIMULA ang lahat sa isang bulung-bulungan na naging blind item na sa mga social media platforms.
Ang tinukoy ng nasabing item ay tungkol sa isang celebrity couple. Pinay ang babae at foreigner ang lalake.
Bankrupt na raw ang tech business ng nasabing foreigner. Naging madali itong hulaan ng mga mapanuring mata ng mga netizens dahil sa ang babae ay isang premyadong aktres.
Dito na nagsimula ang lahat.
Ang nabanggit na blind item ay nagkaroon na nang mukha. Ang mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle ang lumitaw na tahasang tinutukoy ng nasabing blind item.
Mas lalong tumindi ang kontrobersya dahil hindi lamang isa ang nagrereklamo sa DOLE, marami raw sila.
Mga empleyadong hindi nabayaran ng kabuuang suweldo. Kung kaya’t napangalanan na kung sino ang employer. Patung-patong na kaso daw ang isinampa ng mga complainant dahil sa hindi patas na pagpapasuweldo.
Ang matindi pa raw, bukod sa suweldo, yung mga separation pay raw ay hindi pa naibibigay o sadya raw na naka-hold.
Noong una, ayaw naman daw sanang magreklamo ng mga empleyado. Siguro naisip ng mga ito na asawa naman ito ng aktres kaya’t malayong hindi nito maibigay ang kanilang hinihinging kabayaran.
Mas lumala ang problema nila dahil naulinigan ng mga ito na maaaring mag-file na ng bankruptcy ang kumpanya, kung kaya’t kinailangan na nila ang intevention ng gobyerno. Kung kaya’t sumugod na ang mga ito sa DOLE upang idulog ang kanilang problema.
Kapag nag-file nga naman ito ng bankruptcy, malamang na wala silang makuhang separation pay.
Ayon pa sa mga naglalabasang balita, tila wala raw kaalam-alam itong si Iza sa nagiging problema sa negosyo ng kanyang asawa.
Well, sana lang maayos na ang problema ng asawa nito. at mabuting makipag-settle na lamang sa kanyang mga empleyado.
Kung sakali namang bankrupt na nga itong si Ben, I’m sure kaya naman siyang buhayin ni Iza, noh!
Dito natin mapapatunayan kung totoong through thick and thin e magiging maayos pa rin ang kanilang pagsasama.
Bukas ang pahinang ito para sa panig ng mag-asawa.
***
Bea at Vincent, hindi pa priority ang mag-honeymoon
WALA raw munang honeymoon para sa mga bagong kasal na sina Bea Alonzo at ang business tycoon na si Vincent Co.
Ayon mismo kay Boy Abunda, sa pamamagitan ng show nitong ‘Fast Talk With Boy Abunda’, nakausap nito si Vincent.
Diretsahang tinanong ni Tito Boy kung may plano ba silang mag-honeymoon?
Ayon kay Vincent, sa rami daw ng kanilang kanya-kanyang trabaho hindi raw nila ito binibigyan ng panahon.
Kumbaga, kampante na siguro ito na tuluyan ng natali sa kanya si Bea.
Marami ang nagsasabing si Vincent talaga ang sumuyo nang husto kay Bea.
Una raw itong nagpakita nang paghanga sa dating dalaga.
Sa kasalukuyan daw, maging si Bea ay walang oras para mag-honeymoon. Dahil may mga tapings daw ito na kailangang tapusin.
Kung sakaling matuloy nga ang honeymoon nina Bea at Vincent, sa Spain kaya ang pupuntahan nila?
After all, sa nasabing bansa sila dapat ikasal. Naunsiyami nga lang dahil sa mga ‘di inaasahang pangyayari.
Well, kung saan at kailan man ang kanilang honeymoon, desisyon na nila yon, syempre!
Natutuwa kami para kay Bea, at sana wala na rin makialam kung talagang sila ay totoong nagmamahalan!