Inaabangan ang kaganapan sa kanilang roles…ZEPHANIE at OLIVE MAY, pinupuri sa ‘Born to Shine’ (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 17, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAKATUTOK tuwing hapon ang mga Kapuso sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Born to Shine.”
Marami ang nag-aabang kung malalaman na ni Jeni (Zephanie) ang katotohanan na magkapatid sila sa ama ni Megan (Olive May).
Komento ng avid viewers sa YouTube channel ng GMA Network, “Malapit na ang exciting part magkakaalaman na! Grabe ang ganda talaga ng palabas na ‘to! Ang gagaling nilang umarte lahat.”
Pero sa halip na magkaayos ang dalawa, lalo pang tumitindi ang inggit ni Megan kay Jeni dahil sa pag-angat ng career nito bilang leader ng YUMI.
May chance pa bang magkabati sila at tanggapin ang isa’t isa bilang tunay na kapatid? Abangan ang “Born to Shine” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA-7.
***
GMA stars, naki-party sa T’nalak Festival
LALONG naging makulay ang selebrasyon sa Koronadal City dahil dinala ng GMA Regional TV ang ilang Kapuso stars noong Huwebes (July 16) para maki-join the fun sa T’nalak Festival 2026.
Siguradong good vibes at positive energy ang dinala nina Kapuso actress Rhian Ramos at The Master Cutter cast Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at Prince Carlos sa #KapusoFiesta na ginanap sa Parking Area ng South Cotabato Sports Complex, 5 p.m.
Nakasama rin sa paghahatid ng exciting surprises at performances sina Sparkle stars Sofia Pablo, AZ Martinez, Vince Maristela, at ang P-pop boy group na CLOUD 7.