Hindi inasahan ng manager na sisikat agad…FYANG, misunderstood lang at ‘di totoong may bad attitude (ni: NONIE NICASIO)
- Published on July 16, 2026
- by Francis Paolo Torres
IPINAGTANGGOL ng talent manager na si Mannix Carancho ang kanyang alagang si Fyang Smith laban sa mga akusasyon na may bad attitude raw ang aktres.
Ipinahayag ni Mannix na misunderstood lang si Fyang.
Aniya, “She’s misunderstood, ang totoo, madali siyang magtiwala sa mga tao. Siguro dahil hindi niya pa close iyong ibang tao, akala tinatarayan sila.
“Pero kapag nakilala nyo siya, wala kang masasabi sa pakikisama niya. Napakabait, walang masamang tinapay. Walang insecurities, gusto lang niyang mag-enjoy.”
Aminado rin siya na hindi inasahang sisikat at magiging maganda ang takbo ng career ni Fyang.
“Hindi ko naman sobrang in-expect, pero nakitaan ko po siya ng potential na malayo ang mararating niya. Talented po siya at marunong makisama,” sambit ni Mannix.
Talent na ni Mannix si Fyang bago pa man ito naging Big Winner sa ‘Pinoy Big Brother: Gen 11’. Si Fyang ay nasa pangangalaga ng Mannix Management at Star Magic ng ABS-CBN.
Marami nang naging project si Fyang pero ang inaabangan ngayon sa kanya ay ang entry nilang “Haunted Carnival” sa darating na Metro Manila Film Festival 2026.
Anyway, si Mannix ay isa sa mga pinakamatagumpay na negosyante at talent manager sa bansa sa kasalukuyan. Siya ang nasa likod ng Prestige International, ang business empire na kanyang itinayo.
Sa industriya ng skincare, kilala siya bilang “Lord of Soap.”
Bukod kay Fyang, nasa pangangalaga ni Mannix ang mga social media influencers at Tiktokers na gaya nina Zaide Diaz at Elaine Maniquiz (ZaiLane), Kosuke Umemoto at Mary Julian Cabaltera (Koshelleine), Ace Remeter at Nica Navarro (AceNic), Yance Figueroa at Angela Broma (Yanella), Kurt Ausan at Mark Denmiel Esguerra (KurFect), Keith Bryan Castel at Yuniko Cabaltera (KeithLaine), Kenneth Danks at Miles Lian Ramirez (KenLi).
Kabilang din dito sina Luke Kendrix Torres at Patrick Valle (KenPat), Riri Navarro, It’s Showtime Ms. Q&A Talakera 2026 Grand finalist Angela Lim, Chona Vibes at Mamie Bhiee.
Si Amanda Salas ang kanilang creative director.