Umiinom sila na gamit ang dalawang straw…Instagram post nina SKY at KARINA, wild at parang unsanitary (ni: REY PINEDA)
- Published on July 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
PARANG hindi naman yata magandang tignan ang Instagram post nina Sky Quizon at Karina Bautista.
Makikita sa nabanggit na post Una may caption na ‘kung hindi tayo ganito, huwag nalang!’, umiinom si Karina na gamit ang dalawang straw. Ang isang straw ay subo naman ni Sky.
Kumbaga, nanggagaling ang sinisipsip ng aktor mula sa bibig ng aktres. Medyo off yata, di ba?
Totoo namang maraming nakatutuwang collaboration ang tandem nila. Marami rin silang napapasaya at napapakilig.
‘Yung mag-share sa isang straw medyo okay pang tignan, pero yung dadaan naman sa bibig ng iba, ibang klase na yon!
Tingin niyo?
Nagsimula ang tandem nina Sky at Karina dahil pareho silang produkto ng Pinoy Big Brother.
Nakilala sila bilang sina Brax at Bea sa “Viral Scandal” ng ABS-CBN series.
Kaya rin siguro na-maintain nila ang kanilang friendship. Wala namang kuwestiyon dun.
Kaya lang wala na ba silang maisip na content dahil para sa amin hindi kasi nakakakilig yung ginawa nila.
Unsanitary kasi ang dating sa amin. Imagine, iinumin nung isa tapos sasaluhin nung isa.
Nakakadiri, di ba? Iniinom ni Sky yung iniluwa ni Karina, ang wild!
Kadiring content naman yon!