Nakasuporta kahit na anong pinagdadaanan nila…JANINE, hindi bibitaw dahil palaging nasa tabi lang ni JERICHO (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 11, 2026
- by Francis Paolo Torres
MASAYA at nagpapasalamat si Janine Gutierrez dahil hindi siya nakalimutan ng boyfriend na si Jericho Rosales sa acceptance speech nito sa pagkapanalo ng best actor sa The 9th EDDYS para sa “Quezon” na iginawad noong July 5, 2026 sa Marriot Grand Ballroom.
Hiningan ng reaksiyon ang aktres sa sinabi ni Jericho na, “Thank you for holding my hand.”
Pahayag ni Janine, “Hindi, kasi merong ano, e. Medyo literal yung kuwento na yun.
“Kasi, may time na may prosthetics siya sa mukha, tapos binuhusan ng prosthetics yung mukha niya.
“Natatakot siya. So, literal na nakahawak ako. But I’m grateful kasi very ahhh… hindi niya ako nakakalimutan sa pagpapasalamat niya.”Ini-reveal din ni Jericho na may matindi silang pinagdadaanan, na kung saan inalay rin ang acting award sa kanyang ina na may Alzheimer’s disease.
“Siyempre, of course. Kahit naman na anong pagdaanan namin na isa’t isa, I think one of things na talagang ipinagpapasalamat ko is nandiyan siya palagi.
“Of course, nandun din ako para sa kanya. Siyempre walang bibitaw,” pahayag pa ni Janine.
Samantala, kasama si Janine sa cast ng “Mag-iina,” isa sa nine full-length entries sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na mula sa direksyon ni Giancarlo Abrahan.
Co-stars niya rito sina Cherry Pie Picache, Lucas Andalio, Agot Isidro, Ness Roque, Bart Guingona, Alejandra Cortez, at ang tiyahin niyang si Jackie Lou Blanco.
Balik-Cinemalaya din si Janine, dahil una siyang napanood noong 2016 sa “Dagsin,” na sinundan noong 2022 sa “Bakit Di Mo Sabihin.”