PNP, pinaigting ang imbestigasyon sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan
- Published on July 20, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa pagpaslang sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lapata na binaril sa harap ng kanyang bahay noong Biyernes ng madaling araw sa Caloocan City.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., nais niya ang komprehensibong pagsisiyasat sa kaso kabilang ang anggulong posibleng may kaugnayan ang krimen sa pagiging aktibo ng biktima bilang political vlogger gayundin ang umano’y usapin sa pera.
Sinabi ni Nartatez na walang puwang ang karahasan sa malayang pamamahayag. Aniya, bagama’t magkakaiba ang paniniwala at opinyon ng bawat isa, pananagutan ng PNP na protektahan ang karapatang ito at tiyaking mapapanagot ang mga responsable sa krimen.
Tukoy naman na ng pulisya ang mga suspek na riding-in-tandem na bumaril sa biktimang si Lapata na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktimang si Lapata, 25 at sa live-in partner nitong si alyas “Nellboy”, 25, sa harap ng kanyang bahay sa Tierra Nova sa Caloocan City. Inatasan din ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na suriin ang mga post at iba pang nilalaman ng kanyang social media accounts na maaaring makatulong sa pagtukoy sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.
Pinatitiyak din ni Nartatez sa NCRPO ang seguridad ng partner ng biktima na patuloy na nagpapagaling sa ospital. Aniya, gagawin nila ang lahat upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen. Nabatid na tukoy na ng pulisya ang mga suspek. ( DARIS JOSE)