• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala target higitan Wimbledon runSA KABILA ng tagumpay sa Wimbledon Championships, walang balak si Alex Eala na tumigil at huminto sa ginagawa nito.

Sa halip, mas lalo pa itong naging uhaw sa mas mataas na tagumpay na makamit sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na sa mga Grand Slam events.

Umabot si Eala sa fourth round ng Wimbledon — ang pinakamataas na puwestong nakamit nito sa isang Grand Slam tournament.

“My previous result in Wimbledon is my best result in a Grand Slam. It’s the highlight of my career so far. It motivates me to work harder. I’m even more ambitious now I’m even more hungry,” ani Eala.

Kaya naman desidido ang 21-anyos Pinay netter na mas lalo pang kumayod ng husto upang malampa­san ang kanyang narating sa Wimbledon.

Dala ni Eala ang mantra na ‘kapag lumago hindi na hihinto’ na humatak ng atensiyon hindi lamang sa mga Pinoy fans kundi sa mga foreign tennis analysts.

“The whole idea of ‘kapag lumago hindi na hihinto’ it resonates so well with this moment in my career because I feel like the seeds have planted. More than it correlating to results, it refers more to the dream that I have,” paliwanag ni Eala.

Noong bata, marami na itong pangarap sa bu­hay. Isa na rito ang makapag­laro sa isang Grand Slam event.

Ngayong natupad na ang pangarap na ito ni Eala, nais nitong hamunin pa ang kanyang kakayahan na maabot ang mas mataas na tagumpay.

Yahoo Mail: Search, Organize, Conquer