Valenzuela, ipinagdiwang ika-52nd Nutrition Month
- Published on July 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA temang “Nutrisyon sa Kalikasan, Ating Pangalagaan!”, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang mga aktibidad para sa ika-52nd Nutrition Month Celebration bilang suporta sa kampanya nito sa National Nutrition Council.
Ang paglulunsad ng iba’t ibang aktibidad ay ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at Nutrition Unit upang itaguyod ang mabuting nutrisyon sa komunidad habang tinitiyak ang environmental sustainability sa food production.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada na pinamagatang “Nutri-Walk: Alaga sa Kalikasan, Kalusugan ng Mamamayan”, kasama ang Valenzuela City Jail Male Dormitory, Bureau of Fire Protection, tatlong carehouse: Bahay Pag-asa, Bahay Kalinga, Bahay Kanlungan, at mga batang Valenzuelano at kanilang mga magulang.
Binibigyang-diin ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong taon ang kahalagahan ng koneksyon sa pagitan ng nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran na nakatuon sa pagkilos sa klima.
Ang kampanyang ito ay nagtutulak sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno, LGU, NGA, at mga organisasyon upang isulong ang environmentally sustainable food production, reduce food waste, at strengthen climate-resilient food systems in the community.
Ang pamahalaang lungsod ay may ilang mga aktibidad sa pipeline ngayong buwan, kabilang ang mga nagtataguyod para sa natural food production, tulad ng paghahalaman ng gulay —Nutri Fest, Kusinerong Valenzuelano Cook-Off: Mula sa Taniman hanggang Hapag-Kainan, Usapang Nutrisyon sa Barangay, Gulayan sa Tahanan, Nutri-Corner: Nutri-Kalikasan Nook, at Pabasa sa Nutrition: Junior Barangay Nutrition Scholar.
Bilang isa sa mga haligi ng mabuting pamamahala, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ang mga programa at inisyatiba na nagpoprotekta hindi lamang sa kalusugan at nutrisyon ng mga Valenzuelano, kundi pati na rin sa kapaligiran na nagpapanatili sa kanila. (Richard Mesa)