• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinupuri sa pagganap bilang Apolonio Samson…VR, matagumpay na naitawid ang kauna-unahang musical play (ni: ROHN ROMULO) 

NAGING makabuluhan at matagumpay ang stage play na “Sa Apolonio Samson, Si Apolonio Samson

” na

pinagbidahan ng VMX actor na si VR Relosa.

Sa naturang pagtatanghal, ipinakilala ang kabayanihan ng katipunero na si Apolonio Samson. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni VR dahil matagumpay niyang naitawid ang musical play na first time lang niya nasubukan.Sa kanyang Facebook, pinost niya ang mahabang mensahe ng pasasalamat

…”Una, sobrang nagpapasalamat ako sa tiwala mo sakin direk

Raffy R. Tejada na kaya kong gampanan ang role na to. 

“Hindi biro ang kaba dahil bukod sa musikal ito na hindi ko pa nasusubukang gawin, totoong tao ang gagampanan ko at sa kanya pa mismo nakapangalan ang lugar na paggaganapan ng dula.”

Pagpapatuloy niya, “Pangalawa, kakaiba ito sa lahat ng pagtatanghal na ginawa ko. Pursigido kong inaaral ang script noong una. Sinusulat ang bawat mood at pinagpaplanuhan ang atake sa bawat eksena. Pero habang nakikilala ko ang ibang kasama ko sa dula, natutunan kong bitawan ang lahat dahil mas mabigat pala ang script kaysa sa iniisip ko. 

“Hindi pala ito simpleng istorya lamang na nagmula sa malikot na isip ng writer. 

“Totoong istorya ito ng lugar at ang mga kasama ko sa dula ay mismong mga tao na nakaranas nito. Hindi sila mga aktor lamang. 

“Sila ang nawalan ng bahay dahil sa lakas ng hangin, kapamilya nila ang nawala dahil sa sunog, sila mismo ang binaha at lumikas sa evacuation center, sila-sila ang nagtulungan, sila ang sumagip sa isa’t isa. Pati ang mismong kapitana ng barangay ay kasama rin sa dula. Sa unang pagkakataon, hindi ako umarte sa entablado. Dahil totoo lahat para sa mga kasama ko.”

Dagdag pa niya, “Pangatlo, salamat din dahil lalo kong minahal ang bayan natin. Sa pagganap bilang si Apolonio Samson, nakita ko mula sa mata nya kung ano ang tunay na pakikibaka, kung ano ang tunay na kalayaan, at kung ano ang responsibilidad natin sa bayan.

“Pang-apat, bilib ako sa inyo Dulaang Apolonio Samson at inyong buong barangay. Sa pagmamahal nyo sa sining at sa inyong barrio. Habang marami ang pilit binabago ang nakaraan sa ating mga aklat, pilit nyong binubuhay ang parte nyo sa kasaysayan. Kung kasing aktibo lang sana ninyo ang ibang kabataan at kung sinusuportahan lamang ng bawat barangay at ng mismong pamahalaan ang sining katulad ng sa inyo, hindi siguro ganito ang bayan natin.”Pagtatapos pa ni VR, “Salamat sa lahat ng parte ng

dulan ito. Sa mga aktor, sa bumubuo ng produksyon, at sa lahat ng sumuporta. Mabuhay kayo!

” Nanghihinayang dahil hindi namin nasaksihan ang kanyang mahusay na pagganap, na talaga namang pinupuri ng mga nakapanood.

Anyway, congrats VR!