Na-link na noon pero hindi natuloy sa relasyon…ALDEN, inamin na mas naging close kay ANDREA sa muling pagsasama (ni: REY PINEDA)
- Published on July 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
INAMIN ni Alden Richards na may namuong closeness sa kanila ng kanyang co-star na si Andrea Torres.
Naganap ang kanilang pagiging close sa isa’t isa habang ginagawa nila ang upcoming GMA’s medical drama “Code Grey”.
Ayon mismo kay Alden, swak! agad ang pagsasama nilang ito ni Andrea sa nasabing proyekto.
Hindi raw mahirap pakisamahan ang aktres dahil magaan itong katrabaho.
Dahil sa sobrang kampante na sila pati ibang cast, may mga eksena daw na bigla na lamang silang nagkakatawanan.
Sa kasalukuyan, habang ginagawa ang “Code Grey”, dumadaan pa rin sila sa medical training.
Isang doktor ang role ni Alden dito. Para sa kanya itong ang unang beses na gagampanan niya ang isang mature at seryosong role.
Unang nagkasama sisna Alden at Andrea sa fantaseryeng “Victor Magtanggol”.
Bagama’t naiugnay ang dalawa, inamin ni Andrea na close friends lang ang turingan nila ni Alden.
Hindi kaya maging makatotohanan na ang pagsasamang muli nina Alden at Andrea?Well, hindi naman siguro masama kung magkatuluyang maging magkarelasyon ang mga ito.
Afterall, pareho naman silang single!
***
BILLY, nagwagi sa Season 9 of ‘Mask Singer France’
NAKAKA-PROUD naman si Billy Crawford!
Kamakailan lamang ay naging laman ng mga pangunahing pahayagan at TV shows si Billy dahil itinanghal siyang winner sa Season 9 of ‘Mask Singer France’.
Nag-disguise siya bilang si L’Ane (The Donkey).
Nakuha ng singer/actor ang atensyon ng mga audience at judges sa pamamagitan ng pagkanta ng pinaghalong tracks ng english at French.
Tinalo nito ang 22 kilalang mga singers sa bandang huli.
Napili ni Billy na mag-disguise bilang si L’Ane (The Donkey) dahil nasa isip nito ang anak na si Amari.
Alam niya sa kanyang sarili na maraming bata ang matutuwa sa kanyang disguise.
Sa final round, pinataob ni Billy ang singer na si Carla Lazzari na nakipag-compete bilang Le Poussin. Kinanta niya ang “Beat It” ni Michael Jackson.
Nauna na rito yung pagkapanalo nito sa reality TV show na French edition ng “Dancing With the Stars (Danse avec les stars) nuong 2022.
Sana lang, muling magtuluy-tuloy ang showbiz career nito.
‘Di nga ba’t may mga ilang kinasangkutang isyu ang singer.
Well, siguro naman naging leksiyon na rin ito hindi lamang kay Billy kundi sa mga taga-industriya na medyo nalilihis nang landas.