May sarili ng Beautederm perfumes at billboard…VG ALEX at SUNSHINE, labis-labis ang pasasalamat kay RHEA sa regalong natanggap (ni: NONIE NICASIO)
- Published on July 2, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINANGUNAHAN ng Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan ang launching ng sariling perfumes na nakapangalan sa couple na sina Bulacan Vice Governor Alex Castro at ng Sexbomb member na si Sunshine Garcia – ang Alex at Sunshine scents ng Beautederm Parfums.
Ipinahayag dito ni Ms. Rhea ang kahalagahan ng loyalty at friendship.
“We express our gratitude to Sunshine Garcia and our Vice Governor Alex Castro, one of our original endorsers, our OGs since 2013. They have grown to be significant figures in Beautederm’s success. So, we have developed fragrances for them.
“Today also marks the debut of Alex and Sunshine’s first ever billboard in NLEX. Iyan ang regalo ko sa kanila for being my loyal babies.
“Sa totoo lang konsehal pa lang yata siya noon, baby ko na siya. Imagine mo Vice Governor na siya, hindi pa rin niya ako iniiwan. Siya ang nagpapatunay na hindi kasikatan at pera ang nakakasira sa pagkakaibigan.”
Wika pa ni Ms. Rhea, “Here at Beautederm, we value personal relationships and genuine connections and we will maintain that culture. We believe that Sunshine and Alex deserve their own perfumes under our brand. And aside from the fact that they smell good, they remind us that the true scent of success is a friendship built on love and sincerity.”
Super-thankful naman sina VG Alex at Sunshine sa lady boss ng Beautederm.
“Thank you sa lahat ng pumunta and thank you ate (Rei), thank you sa love at support mo sa amin. Iba ka talaga,” wika ni Sunshine.
Aniya pa, “Ang loyalty mahalaga sa amin iyon, pati iyong friendship, yung love sa produkto at sa may-ari nandoon, e. Kumbaga, hindi mo basta ibe-betray ang taong nagtiwala sa iyo, tumulong sa iyo noong nag-uumpisa ka pa lang. Kaya mahal na mahal namin si Ate Rei, kasi totoo yung pagmamahal niya sa amin.”
Wika naman ni VG Alex, “Kay ate Rei, thank you very much, nakaka-touch iyong message niya. Imagine, 2013 nang una kaming nagkakilala. Actually, it’s an honor na naging part ako ng Beautederm for almost ilang years na.
“Masaya ako dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ako and eto na nga, may billboard na rin kami and nabigyan kami ng chance na magkaroon ng sariling perfumes.
“Ang masasabi ko, in a world na parang lahat walang loyalty, pero mayroon pa ring pagkakataon na maniwala pa rin tayo na puwede pa rin tayong maging loyal sa isa’t isa. And being a loyal ambassador, mahal kita ate Rhea and nandito may kasama pa akong magmamahal sa iyo, ang asawa ko. Mahal ka namin.”
Dagdag pa ng masipag na public servant, “Ako kasi nasa Beautederm na noong bago pa lang sila kaya na-witness ko ang paglaki ng Beautederm. Dati kaunti pa lang kaming endorsers, ngayon ang dami na namin at ipinagpapasalamat ko kay ate Rei na hanggang ngayon nandito pa rin ako sa Beautederm.”
Nagpasalamat din si VG Alex sa members ng media at mga kapatid sa Beautederm na sina Sanya Lopez, Kitkat, Glydel Mercado, at Kakai Bautista na sumuporta sa kanilang launching.
Ang iba pang scents na kabilang sa Beautederm Parfums ay ang Rei, Rein, at Audrey na lahat ay super sa bango. Available na ito sa lahat ng stores and branches nito, nationwide.