Itulong na lang daw sa nasasakupang lugar…HERLENE, inoperan ng P150K para maka-one night stand si ‘Gov’` (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 29, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA kanyang Instagram story ni Herlene Budol noong Biyernes, June 26, ini-revel niya nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang ‘Gov.”At sa kanyang Facebook post naman ay nilagay na ang caption na, “women are not for sale!”
Makikita nga sa post ang screenshot na may isang “Gov” na nag-message kay Herlene at nagtatanong kung pwede ba siyang makaniig ng isang gabi.
“Hello I’m Gov.
“Can I ask if available ka for one night stand and magkano?”
Nag-miss call pa ito kay Herlene, at sabay offer ng P150,000 ang naturang ‘Gov’.
Sinagot naman ito ng aktres at beauty queen…“Hello gov pakyu sayo na 150k mo!” naiinis na sabi ni Herlene.
Dagdag pa niya, “Itulong mo nalang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!”May mga netizen naman na talagang nag-react at maging ang social media personality na si Senyora ay humirit kay Herlene ng, “Pano papahirapan mo pa kami mag-isip kung sino yan. Dapat may clue!”Deadma naman ang Kapuso actress sa mga detalye ng naturang “gov” na gustung-gusto talagang malaman ng netizens.Nakakaaliw din basahin ang mga komento at isang netizen na nagbiro ng, “Stand lang naman eh. Biruin mo yun tatayo ka lang naman ng isang gabi may 150k ka na…”Oh well, abangan na lang natin kung kailan malalantad ang pangalan ni ‘Gov’.