Hanggang 10th date daw sabi ni Kris… BIMBY at RYZZA MAE, nag-date sa kasama ang mga nanay (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 27, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAG-VIRAL talaga sa social media ang photos nina Bimby Aquino at Ryzza Mae Dizon na kuha sa isang restaurant sa isang mall.
Kaya kilig na kilig ang mga dabarkads dahil mula sa hosting nila sa ‘Eat Bulaga’ ay nakapag-date sila.
Kasama nina Bimby at Ryzza ang kanilang mga mama pati na rin ang isa pang anak-anakan ni Kris Aquino na si Miles Ocampo at si Jenny Ferre.
Marami ang natuwa dahil sa patuloy ang paglakas ng Queen of All Media, mula sa pagdalaw sa noontime show dahil sumama nga ito hanggang dinner.
Bongga rin si Kris dahil naghahanap siya ng pagkain na parehas na gusto nina Ryzza at Bimby.
“She doesn’t eat burgers, and she doesn’t like pizza. Eh si Bimb mabubuhay sa burgers at pizza. So kailangan maghanap tayo ng food na pareho niyong gusto,” pahayag ni Kris at napansin nito na gusto pala ni Ryzza ang steak.
Say pa ni Kris na magtanong sina Bimby at Ryzza sa isa’t-isa.
Hirit naman ni Bimb, “First date, kasama ang mga nanay! Hahahaha!”
“Ganun talaga, up to the 10th date, kasama ang mga nanay!” sagot naman ng kanyang mommy.
Tanong naman si Bimby kay Ryzza, “Hindi ka ever nagka-boyfriend?”
Hindi naman ang sagot ni Ryzza, at tinanong naman nito si Bimby kung nasubukan nang manligaw.
Oo raw, pero parang hindi naman ligaw, dahil kinaibigan lang daw niya.
Tinanong naman ni Miles si Kris kung pinakaboto ba ito kay Ryzza.
“Gusto kasi ni Bimb maasikaso, at `yung maalaga, kasi daw ‘yun ang personality niya, na siya maalaga.
“Super naman ‘yung ginawa niyang pag-alaga sa akin. Gusto daw sana niya na ma-return `yon sa kanya,” sagot ni Kris.
Kaaliw din ang pagbibiro ni Kris kay Ryzza ng ‘manugang’ at bagay din ang Ryzza Mae Cojuangco-Aquino!
Well, mukhang may aabangan ang netizens sa loveteam nina Bimby at Ryzza Mae.