May matinding paliwanag ang taga-Meralco… Reklamo ni CACAI, tungkol sa lumubong electric bill may sagot na (ni: REY PINEDA)
- Published on June 26, 2026
- by Francis Paolo Torres
MARAMI talaga ang nagulat sa mga post ng ilang celebrities.
Kaugnay ito sa nga nagtaasan nilang Meralco bill.
Isa si Cacai Velasquez-Mitra na ‘di makapaniwala sa dumating niyang electric bill.
Ayon sa ipinost na resibo ni Cacai, umabot sa P94,355 ang nakonsumo nito sa loob lamang ng isang buwan.
Nakakagulat nga naman!
Sa ipinost nitong resibo may komento rin ang kapatid ng Asia’s songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
“Ayoko na sanang makisabay, pero mahimatay naman ako dito sa Meralco super conscious na nga ako sa gamit ng kuryente.
“Bahay lang po kami hindi commercial building.”
Ano nga kaya ang nangyari sa Meralco?
Matatawag bang error sa billing section ng Meralco?
O kaya masasabi bang glitch ito sa kanilang system?
Hindi bale sana kung ilang lang puwede pa siguro matanggap na error o glitch sa system. Kaya lang dami nilang nagrereklamo!
Sa advance technology ngayon, puwede pa sigurong mapalampas at i-consider na minsan unreliable din ang technology. Yan ay kung isa o dalawa lang ang nagrereklamo.
Pero kung marami na, teka! Ibang usapan na yon!
Kapabayaan na yan sa parte ng departamento ng billing section ng Meralco!
Sa hirap nga naman nang buhay ngayon, dadagdag pa ba ang ganitong klaseng problema?
Sa rami ng empleyado niyo nangyayari pa ba ang ganito?
Tsaka nangyari na rin ang ganitong problema sa mga nakaraang taon!
Sabi nga ng ibang netizen, kapabayaan ba ito o matatawag nang katangahan?
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito at ayon kay Meralco vice president and head of corporate communications Joe Zaldarriaga.
“Ms. Cacai’s account is classified as a high-load service and there was no unusual surge in her consumption, which is also reflected in the historical chart in her bill,” pahayag niya.
“The increase in her electricity usage during the period in question is consistent with her seasonal consumption pattern.
“The actual consumption remains within the normal range of her previous bills, both when compared with the preceding months and with the same period last year.”
Wala pang updates si Cacai tungkol sa June electric bill niya at sa napag-usapan nila ng Meralco.